May 19, 2015 Tuesday, 12:10
"Glai, ano costume mo sa Saturday?", my workmate slash friend Alex asked. We are having our lunch ngayon sa canteen ng opisina.
"Ha? Anong costume sa Saturday?", takang tanong ko sa kaniya. Pinagsasabi nito? Nakakaistorbo siya sa adobong kinakain ko.
"Dito ka ba talaga nagtatrabaho?", sabay irap niya sa'kin at kagat ng saging na binili niya kanina. Eh hindi ko naman talaga alam kung anong sinasabi niya. Masyadong marami akong iniisip.
"Ano nga kasi?", nagmamadali na ako sa sagot niya. Nakakainis naman kasi.
"Lutang ka lately ah? May problema ba?", pag-iiba niya sa usapan. Believe me hindi ito concerned, makikichismis lang talaga to.
"Ha? Wala. May iniisip lang", matipid kong sagot sabay inom sa tubig mula sa canister ko.
"Ayie. Yung ex mo na naman yun no? Move on, move on din, Glai. Uso ngayon yun, try mo kaya", agad na sagot niya sa'kin.
"Ha? Ex? Sino?"
"Nako, ang bitter. Kinalimutan eh"
"Ha?"
"Ha-ha ka pa diyan, hahampasin na talaga kita"
"Eh hindi naman kasi yun. Diyos ko, Alex, it's been months. Ni hind ko nga siya naalala kung di mo pinaalala"
"Oh, ano o sino na naman yang iniisip mo? May bago ka na naming chick? Iba ka ren, Glai. Gwapo eh. Nekekeheye nemen", sabay arte nitong pagipit kunwari ng buhok sa likod ng kaniyang tenga.
"Parang tanga to. Wala nga. Pa'no ako magkakaron ng chick eh halos hindi nga ako lumalabas ngayon. Puro si Vic lang nakikita ko, nakakasawa na nga", pagdadahilan ko. Sa totoo lang, wala naman akong ibang mukhang nakikita kundi ang sa mokong kaibigan kong si Victonara eh. Speaking of which, kamusta na kaya yun? Grabe naman kasi yun makahagulgol nung pauwi na kami mula sa bar last night.
Isa pa malaking factor kung sino iniisip ko ay dahil hindi pa kami nagkakausap uli ni Rhian mula sa last message na sinend ko sa kaniya kagabi. Galit pa rin ata sa'kin. Haaay, siya lang ba nahihirapan sa sitwasyon namin? Eh ako rin naman ah? Gumawa naman ako ng paraan para magkita kami, siya lang naman tong hindi makaalala. Kainis.
"Hoy! Glaiza Galura! Kanina pa ako salita ng salita dito eh!", gulat naman nitong kaharap ko sa'kin.
"Ha? Ano nga yun?", nakakagulat naman to. Nagse-space out na naman ako.
"Ha-Ha? Happy Birthday! Nakakainis to. Walang kwentang kausap", makailiang irap na rin ginagawa niya sa'kin. Di ba sumasakita mata nito?
"Ano nga kasi sabi mo?"
"Sabi ko, mas mabuti nga sumama ka na lang sa Sabado para makahalubilo ka naman ng ibang tao", inulit niya pa rin naman. lol
"Ano nga meron sa Sabado kasi?"
"Hindi mo talaga alam?"
"Hindi nga"
"My gash. Everyone's talking about it tapos ikaw walang kamuang-muang. Annual Party ng Prime sa Saturday and lahat pwede magdala ng plus one. Kaya nga tinatanong ko kung anong costume mo tas dalhin mo na rin yung chick na nagpapatulala sa'yo ngayon", binigyan niya ako ng malokong tingin.
Ahh. Kaya pala. Yung annual faoundation party ng opisina namin na hinihintay ng lahat pero ako walang pakialam. Nung mga nakaraang taon kasi, hindi naman uso ang magdala ng isang kasama and supposedly, last year nang mabalitaan namin na pwede ka na magdala ng date eh niyaya ko yung ex kong walang puwet, kung kay Victonara pa, kaso ngayon, siyempre wala na kami. Tsaka sinong isasama ko di'ba? Alangan naman si Rhian di'ba? Eh baka magtaka pa yun kung yayain ko ng date eh hindi naman kami nagkikita at hindi naman kami sigurado kung magkikita pa kami. Ayoko ngang pumunta dun na walang kasama at nag-iisa.
BINABASA MO ANG
The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)
Fanfiction(This is a Rhian Ramos/Glaiza de Castro x Mika Reyes/Ara Galang fanfiction) Can love really conquer all? Can it defy inevitable forces? Can you wait for true love to come? Co-written by SinNombre28.