May 26, 2015 Tuesday 18:02
Sumisipol pa sa saliw ng tugtugin ng The Beatles na Love Me Do ang dalagang si Victonara habang papaakyat ng hagdan ng gusali kung saan nakatira ang kaniyang kaibigang si Glaiza.
She immediately made her way here matapos niyang makareceive ng flood message ng alas dose ng hatinggabi sa mismong araw ding yun.
Messages from her bestfriend.
Lahat tinatanong kung nasaan siya. Mukhang kailangan siya nito nung oras na yun.
Yun nga lang umaga na nang mabasa niya ang mga iyon, at maaga din siyang umalis para kitain si Mika.
'Probably, t' was her ex again. Sabi nang mag-move on na eh', she thought.
Kaya pagkahatid na pagkahatid niya sa modelo kanina sa bahay nito ay dumiretso siya kaagad papunta sa tinitirhan ng kaniyang kaibigan. It was a Tuesday so she already assumed na nasa bahay niya na ito galing sa trabaho.
Kakatok pa lamang siya nang bigla siyang pagbuksan ng kaibigan niya ng pinto.
"Manghuhula ka ba? Pa'no mo nalaman na darating ako?", biro nito at agad na pumasok ng unit ng hindi na kailangan papasukin. Dumiretso kaagad ito ng kusina.
"Hindi, taga Pag-asa ako, alam ko kung may darating na bagyo", sabat lamang ni Glaiza sa kaniya at tsaka inilabas ang plastic ng basura.
"Pag-asa...sabi ko nga eh. Diyan ka lagi napapahamak sa pag-asa na yan. Sabi sa'yo magmove on ka na", wika nito sabay bukas ng refrigerator ng kaibigan. "Walang softdrinks?", dugtong na tanong nito.
"May pinatago ka?", pagtatabla nito at tsaka bumalik na sa loob. "Tange, nagtapon lang ako ng basura. Malay ko bang darating ka"
"Wala, pero alam ko kasi di ka nauubusan ng Coke dito. Nauuhaw kasi ako", masyadong palagay si Victonara sa kaibigan niya kaya ganito na lang siya makaasta. Isa pa sanay na samay na rin naman sa kaniya si Glaiza kaya puro pananabla na rin ang ginagawa niya para lang makasabay sa kakulitan nito.
"Meron diyan, sa dulo. Isa na lang. Sa'yo na yan", sagot lang ng mas nakakatanda at agad naupo sa sofa at humigop ng kape mula sa tasa niyang nasa ibabaw ng center table.
"Yun, thanks", wika naman nito nang makuha niya na. "Oh, what happened? Nagparamdam ba si ex? Hihiraman ka ba niya ng pera pampadagdag ng pwet niya? O bebentahan ka ng doughnut?", sunod-sunod at walang pakundangang tanong nito nang makaupo sa tabi ng kaniyang Ate Cha.
"Anong doughnut?", napalingon lang si Glaiza sa kaibigan.
"Doughnut. Di'ba dun siya nagtatrabaho? Taga-butas ng doughnut? Haba eh", sabay tawa habang inaakto nito na parang nagbubutas siya ng naturang pagkain sa kamay gamit ang baba.
"Loko-loko ka", sabay tawa. "Makapanlait to akala mo walang kapintasan sa katawan"
"Eh, ex mo naman yun eh. Tsaka kaibigan mo ko. Pogi pa. Oh wag mo nang pakelaman yung lips ko. Asset ko yan", sabay takip nito sa labi niya.
"Hahaha. Eh assuming ka kasi na ex ko kaagad yun. Hindi naman kasi", sabat ni Glaiza.
"Ay hindi ba? Eh sino naman pala? Bakit makatext ka sa'kin kagabi parang kailangan mo ng crying shoulder. Ano bang problema?", kahit pa dinadaan niya sa biro ang tanong ay nag-iba na rin ang tono nito at sumeryoso na.
"Wala naman kailangan ko lang sana ng kausap. Kaso late na rin yun. Baka tulog ka na rin", sabay iwas ni Glaiza ng tingin sa nakababatang kausap.
"Sorry Ate Cha. Di ko nasagot kaagad yung texts mo. Hinatid ko pa kasi si Mika sa kanila kagabi tapos pag-uwi ko nakatulog na ako kaagad sa pagod", wika na lang nito.
BINABASA MO ANG
The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)
Fanfiction(This is a Rhian Ramos/Glaiza de Castro x Mika Reyes/Ara Galang fanfiction) Can love really conquer all? Can it defy inevitable forces? Can you wait for true love to come? Co-written by SinNombre28.