Queer As A Three-Dollar Bill

646 45 3
                                    

Diretso man ang tingin ni Vic sa kalsada ay lutang naman ang utak niya habang patuloy itong nagmamaneho.

Siyempre para sa kaniya, what happened a while ago was so strange that she can't help but to think kung ano exactly ang nangyayari.

Ilang beses niya rin paulit-ulit na pinagmamasdan ang basket na pinatong sa passenger seat ng kotse niya. Hindi na rin napigilan ng dalaga ang sarili na kunin ang lumang orasan na isinuksok sa left breast pocket ng button up shirt niya.

She then decided to stop and park her car sa gilid ng daan. She might as well have a dose of caffeine or a a slice of cake maybe dahil baka gutom o inaantok lang siya. Mas mabuti na munang tumigil muna siya dahil kung patuloy pa rin ang pagdadrive niya ay baka sa aksidente ang hantong niya. Anyways, it is still two o' clock in the afternoon at nakakaantok naman talaga ang ganitong oras.

Bago tuluyang bumaba at patayin ang sasakyan ay hindi maalis ni Vic ang pag-uusisa sa hawak. "Anong gagawin ko dito?", wika niya sa sarili habang pinagmamasadan ang naturang orasan. She suddenly thought na baka sira na rin naman ito dahil halata namang kalawangin na ang mga kamay sa loob nito.

Nagdadalawang-isip pa nga ito nung una kung gagalawin niya ba ang button na kalagay sa right side ng relo. Takot na baka sumabog ito pag ginawa niya itong pindutin. But then, nagpatalo siya sa pagiging curious niya kaya she clicked on that side button.

Sumabog ba? Of course not. Vic actually didn't find it weird though kasi wala naman talagang nangyari.

She just shrugged her shoulder after realizing na wala naman palang difference. Ibinalik niya na lang ito sa loob ng bulsa ng shirt niya. Sa isip niya, mas mabuti pang bumaba na lang siya sa sasakyan niya at kumain na lang. She thought her mind's too occupied of that old pocket watch na hindi niya naman alam kung para saan at anong gagawin dito.

Iniwan niya na rin sa loob ng kotse ang basket ng kakanin dahil ang awkward naman na dadalhin niya pa to baka mapagkamalan pa siyang naglalako ng mga paninda.

Pagbaba ay napalingon siya sa kaliwa. Napansin niya ang isang maliit na coffee shop sa kabilang bahagi ng highway. "The Traveller's Stop", as she read the signage. Napakunot ang noo niya dahil sa ngayon niya lang nakita ang cafe sa ilang beses niyang nagpabalik-balik sa daang ito.

"Baka bago", she said to herself. Pero sa isip niya timing na rin ito dahil sa gutom na rin siya at kailangan niya nang kumain.

As she entered inside the shop, naamaze si Vic sa nakita. It's obviously a vintage themed cafe na kahit wala pa sa sampu ang lamesa ng lugar ay labas pasok naman ang mga taong umoorder ng kape dito.

She then decided to settle herself sa isang bakanteng lamesa sa sulok ng shop. Mga three tables away from the counter. A lady probably the same age as her welcomed Vic with a smile and immediately showed the coffee shop's menu list.

"Hi, welcome to The Traveller's Stop. Here's your menu Ma'am tawagin niyo lang po ako for your order", the server said.

Vic just smiled at her as response.

Habang mausisa niyang inisa-isa ang menu list na hawak niya ay napukaw ang kaniyang atensyon ng pagtunog ng wind chime. An indication that someone has entered through the main door.

"Good afternoon Ma'am Mika", bati ng parehong server na nagattend sa kaniya kanina.

"Good afternoon. How are you guys? Busy ba?", balik na tanong ng isang napakagandang dalaga na nasa 5'11" ang height, maikli ang buhok, may balingkinitang katawan at maputing balat. At kahit simpleng gray tshirt at jeans lang suot nito at nananatiling angat pa rin ang angking kagandahan ng dalaga.

The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon