19: Surrender, Change And New Beginnings

461 42 15
                                    

August 2015


Mabilis ang mga daliri ni Glaiza sa pagta-type sa kaniyang laptop. It was already four in the morning at nasa ika apat na siya ng tasa ng kaniyang kape. But no, she wasn't doing her homework. Hindi ito tungkol sa trabaho.

She wanted to finish her story - The Fall.

And since wala pa nga itong ending, and she was hoping na tutulungan siya ni Rhian kung paano ito tatapusin noon, ay siya na lang ang gumawa. The racer inspired her to continue her work and probably mapublish niya na ito early of 2016

The Fall is a story based on her relationship sa ex-girlfriend niya. This isn't mainly a love story at all na parang boy meets girl, or sa case nila, girl meets girl, but this is solely based on how their relationship meld her as a person. A story about life's second chances. Originally she was about to end the story giving people hope, na although one thing has come to an end, meron pang bagong opportunity para sa lahat. But since she was now broken, para sa kaniya, life is like a shitty maze where people will always try to find their way out. They meet several others along the way but eventually, sarili pa rin nila ang iniisip nila. At siya yung mga taong nabelong dun sa maze na hindi na makaalis. .

Naisip niya now, she needed to go on with her life. She should also find her own way out kahit na struggle pa talaga yun. Katulad ng naging break up nila ng ex niya, her life must continue. Pero unlike noon, hindi niya na nilugmok ang sarili niya sa alak.

Mahirap nang magpakalasing ngayon gayon wala nang kaibigan niyang mangaasar sa kaniya at magliligpit ng kalat niya. Hindi pa rin kasi siya nirereplyan nito maging mag-abala na sagutin ang kaniyang mga tawag. Mukha nga silang magsyotang nag-LQ pero iba kasi si Vic. Para kay Glaza, kahit madalas nitong painitin ang kaniyang ulo ay di niya maitatangging kapatid na talaga ang turing niya dito.


Malinaw na pagring lang ang naririnig niya sa kabilang linya.

It was already three in the afternoon at kagigising niya lang. Mabuti na lang at wala siyang trabaho ngayon kaya nagawa niyang makapagpuyat.

"Hello? Vic?", agad na wika niya nang marinig niyang nasagot nito ang tawag sa kabilang linya. Nawala na rin ang kanyang antok at tuluyang nagising at napabangon.

She could hear the background noise from the other line.

"Vic, uhm--oo nga pala. Remember yung sinasabi ko sa'yong libro na gusto kong ipublish? Natapos ko na yung ending. After ng ilang araw na puyatan...",she started. Because of pride hindi niya man lang masabi ang salitang 'Sorry' sa kaniyang kaibigan pero madalas niya itong pinagkukuwentuhan ng mga bagay-bagay. She regretted the things she has done. Alam niyang galit sa kaniya ito pero sinubukan niya pa rin. "Yung ending bale, medyo tragic. Gusto ko malaman ng readers na sometimes we may get stuck sa time ng buhay natin and we can't really get out. That relationship with people sometimes come and go and hindi palaging naaayon sa atin yung panahon... Ano--may mga konting revisions pa, pero atleast na tapos ko na yung kwento", dagdag niya bago muling natahimik. "Kumusta ka--"

Hindi niya pa natatapos ang sasabihin ng biglang pinatay ni Vic ang tawag. Napabuntong hininga na lang siya dahil dun kahit pa na gusto niya sanang magalit .

'Kasalanan mo tong lahat Glaiza. Wag ka nang magreklamo', at tsaka na lang bumalik nag tulog.


Kinabukasan, it was a Monday when an idea just popped up in her mind. Together with her friend Kyle, ay bigla niya itong niyaya na mag-early out dahil wala naman ang boss nila para magpasama sa kaniyang balak na pupuntahan. Pumayag kinalaunan ang kaibigan niya matapos niyang sabihin na ililibre niya ito ng hapunan. Mabilis pa kay The Flash ang pagligpit nito ng gamit para umalis na dahil pumayag na siya.

The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon