May 14, 2015 Thursday 19:45
"Walanjo. Ano na naman ba Vic? Palagi na lang ba kong kakabahan sa'yo?"
"Ewan ko"
"Huy, anong problema mo?"
Napaupo na rin si Glaiza sa katabing sofa na hinigihaan ng kaibigan niyang si Victonara. Nakadapa kasi ito ngayon at tila may problema.
Kadarating lang rin niya sa kaniyang unit nang madatnan niya itong kaibigan niyang mabigat ang aura.
"Vic, anong nangyayari sa'yo", pagaalalang tanong ng nauna sa nakababatang kaibigan habang hinuhubad nito ang suot na sapatos.
Pero wala nang sagot ang nakuha niya muli sa kausap. Napabaling na rin ang tingin niya sa isang bote ng nakasirado pang vodka na nakapatong sa center table ng sala niya.
"Victonara, maglalasing na naman tayo? Sinasabi ko sa'yo hindi na ko iinom ng dahil lang sa babaeng yun ha?", mariin na pagtanggi ni Glaiza sa mga iniisip niya kahit hindi niya pa naman alam kung para saan at kanino ang alak na nakikita.
Napalingon si Vic sa Ate Cha niya dahil sa narinig niya, "Hindi na naman kasi para sa'yo yan".
"Kanino, sa'yo?"
Buntong hininga ang binitiwan ng naghihimutok ng kausap niya bago tuluyang bumangon at magsalita "Hindi naman kasi effective yung 'Be yourself' na sinasabi mo eh". Halos bakas na rin ang pagtatampo sa boses nito.
Pero sa halip na mag-alala ay malakas na tawa lang ang sinagot sa kaniya ni Glaiza.
"Eh bakit ka ba tumatawa diyan?", pabalang na tanong ni Vic sa kaibigan niya.
"Hahahaha! Wala-wala. Makamukmok ka naman kasi diyan akala mo iniwan ka ng syota mo o tinanggal ka sa trabaho eh"
"Dapat ba ang iniwan at nawalan lang ng trabaho ang pwedeng magmukmok? Do people na binigyan ng hindi effective na advice have the right na magreklamo din?", inirapan niya rin ito.
"Hoy hoy. Wag mo nga akong ginaganyan", pagsuway ni Glaiza sa kaniya sabay bato ng hinubad na medyas sa mukha nito.
"Ano ba? Kadiri to"
"Mukha ka kasing tanga diyan makasisi ka sa'kin. Sabi sa'yo download na lang tayo ng Tinder eh", sinamaan lang siya ng tingin nito. "Tagal mo pang magkwento. Dali na, magsalita ka na"
"Eeehhh. Ayan na nga oh. May vodka na diyan, may baso na. May Boy Bawang na rin diyan kaya, tara na"
"Oh, tara tagay mo na yan!", wika ni Glaiza bilang pagpayag sa kaibigan. Pero sa kaniya, alam niya hindi na makakabuti kung iinom pa siyang muli at magpapakalasing.
Inabot ni Vic sa kaniya ang isang baso ng alak at binuksan ang kanilang naging pulutan. Kinuha niya naman ito sa planong di niya naman iinumin ang laman ng baso. Hinihintay niya na lang na magsimula magkwento ang kaibigan niyang mukhang nalugi sa negosyo.
"Eh kasi yung sinasabi mong 'Be yourself' di naman effective. Parang nagalit pa sakin yung babae tuloy", panimula ni Vic matapos niya buhusan ang kaniyang baso para sa ikalawang shot niya.
"Hinay-hinay lang. Mahaba pa ang gabi. Ano na naman ba kasing ginawa mo?", pagsuway ni Glaiza sa kaibigan.
"Eh ba't parang kasalanan ko?"
"Magkwento ka na nga lang"
"Kasi naman, pinakilala ko lang naman sa kaniya kung sino ako. Ano ba ko. Pinakilala ko na lang sa kaniya kung gaano ka kulit, palabiro, kaganda ngumit, lahat na. Kasi diba sabi mo nga 'Be yourself'", Vic said as if she's mocking her friend na obvious naman na nagpipigil ng tawa.
BINABASA MO ANG
The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)
Fanfiction(This is a Rhian Ramos/Glaiza de Castro x Mika Reyes/Ara Galang fanfiction) Can love really conquer all? Can it defy inevitable forces? Can you wait for true love to come? Co-written by SinNombre28.