Gaano ba katagal ang anim na taon?
For Victonara, sapat na oras yun para magbago. Para lagyan ng bagong kabuluhan ang mismong sarili, ang takbo ng buhay niya. It was just enough time para maging taong karapat-dapat sa taong minamahal niya. Nagmahal, nabigo, naglakbay sa oras at panahon, naging matagumpay sa larangang pinili niya, at maghintay sa tamang panahon para muling magpakilala sa taong tinatangi nya. Marahil mahaba ang anim na taon sa marami, pero para sa kaniya, it was one agonizing yet satisfying journey. And she's now ready. Ang totoo niyan, nang makita niya si Mika noong nakaraang taon sa isang restaurant, ay alam na niya sa sarili niyang handa na siya. Ngunit tadhana naman ang nagsabi na hindi pa. Muli niyang hinanap ang dalaga sa sumunod na mga araw pero nalaman niyang bumalik na ito ng US matapos ang isang linggong pananatili sa Pilipinas. She was late again, or maybe nagtiwala na lang siya ulit na hindi pa talaga yun ang tamang panahon para sa kanila.
Gaano ba kabilis ang anim na taon?
For Glaiza, mabilis pa sa alas quarto ang takbo ng mga taon para sa kaniya. Late 2015 when she resigned sa Prime magazine as associate editor and six months after, nakapagpatayo siya ng sarili niyang publishing house. She published her first book na medyo hindi pinalad dahil kaunti lang talaga ang nabenta niya sa mga ito. Halos di bumalik ang kaniyang naging capital pero mabuti na lang at may ilang mga manunulat ang nakapagtanyag ng ilang mga libro sa kaniya kung kaya't hindi naman talaga nalugi ang kaniyang negosyo. Dagdag mo pa diyan ang ilang mga eskwelahan na nagpaimprenta sa kaniya ng kani-kanilang mga school paper. Hindi na rin masama. Nasu-sustain naman nito ang pang araw-araw niyang gastusin at ang buwanang renta. Struggle naman daw talaga ang pagsusulat. Pero hindi niya ito alintana. Until she published her second book na "If only" noong August of 2017. Isang kwento ng pag-ibig na nabigo pero umasa at patuloy na umaasa sa pagkakataong hindi naman naibibigay sa kanila. Pero katulad ng kapalaran ng nauna niyang libro, ay hindi rin ito kinagat ng tao. Sawa na raw kasi sila sa kuwentong hugot at nauso na rin ang mala-Indie film na love story tulad ng Kita Kita, I'm Drunk, I love you, at 100 Tula para kay Stella. Sa isip niya, sino ba naman ang mag-aaksaya ng oras sa pagbabasa ng isang libro na sinulat ng di kilalang writer, di'ba? But she will never give up. Hindi siya hihinto hanggang maging kilala na siya. So she tried writing, pushing herself more to release another book entitled 'Till It's Time na plano niyang i-publish at the end of 2018.
Gaano ba kahaba ang tatlong taon?
For Mika, it was too long that she has to keep herself busy para lang magawa niyang makalimot sa sakit na nararamdaman niya. Maaaring matagal ang isang buong araw para sa kaniya at napakahaba na ng tinatakbo nito lalo't kung iisang bagay lang naman ang laman palagi ng utak niya - si Victonara, pero napakahigsing oras nun para maghilom ang sugat na iniwan nito sa kanya. Bakit ba mahabang oras ang kailangan niya para makalimot sa isang bagay na napakabilis namang dumating at mawala? She felt she was used and pakiramdam niya, she's not even worth keeping. Kung kailan sana nagmahal na siya ng walang pag-aalinlangan, ng walang pigil at puno ng pag-uunawa. Mahaba ang tinakbo ng panahon para sa kaniya ng niligawan siya ni Gino. Mahaba rin para sa kaniya ang oras na nakita niya si Vic sa isang restaurant na may kasamang iba. Mahaba rin nang makita niya ito sa magkaibang araw na may kasama na namang ibang babae na kaakbay niya pa. Mahaba ang dalawang taong sinubukan niyang magtrabaho ulit sa ibang bansa para lang bigyan ng pagkakataon ang sarili. Mahaba rin ang ilang buwang naging sila ng ikatlong boyfriend niya na kilauna'y hiniwalayan niya rin dahil sa kadahilanang ayaw niyang maging selfish dito knowing na she hasn't really moved on from that girl who left her from three years ago. It was an excruciating two long years for Mika, and now that she extended another year sa US, magiging sapat na ba iyon para mapagbigyan na ang sarili na magmahal muli?
Gaano ba kaikli ang tatlong taon?
For Rhian, it was too short lalo na't she's trying to maximize her time sa pagmamanage ng The Traveller's Stop. Since it was opened last 2017, mabilis ang tinakbo ng oras dahil mabilis din ang paglago ng kanilang negosyo. Maikli ang isang taon para palagyan ng extension ang una nilang branch, at mas maikli naman ang tatlong taon para sa plano niyang magpatayo ng ikalawang branch nito. Luck was on their side dahil tanggap ng tao ang coffee shop business nila kahit pa napakarami nang nagsulputang parehong negosyo ng kagaya sa kanila. Ang iba nga'y nagsara na, pero sila'y nananatiling nakatayo pa at nagpapalaki. Maiksi rin ang tinakbo ng pagmamahalan nila ni Glaiza. Pero aminin niya man sa sarili niya o hindi, ibang klaseng pagmamahal ang naiparamdam sa kaniya ng dalaga kahit pa hindi sang-ayon sa kanila ang panahon at ang oras. To her, she may be strong on the outside, but it was only Glaiza who can make her weak.
BINABASA MO ANG
The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)
Fanfiction(This is a Rhian Ramos/Glaiza de Castro x Mika Reyes/Ara Galang fanfiction) Can love really conquer all? Can it defy inevitable forces? Can you wait for true love to come? Co-written by SinNombre28.