"Hi", panimula ni Vic nang muli siyang bumalik ng coffee shop kinabukasan at mukhang timing talaga ang punta niya ngayong alas tres ng hapon dahil si Mika ang in charge sa counter at cashier. Agad siyang dumiretso dito, taking advantage na rin dahil wala pang nakapila.
Laking pasasalamat niya rin dahil wala nang masculadong lalaki ang nakapalibot sa dilag na nagpangiti sa kaniya ng malaki pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ng pinto ng shop.
Kunot na noong Mika lamang ang bumati sa kaniya dahil hindi niya malaman kung ano na naman ang gusto nito mula sa kaniya.
"You know, you are too beautiful para sa ganyang mukha. Smile ka naman", balik sa kaniya ni Vic sabay ngiti ng pagkatamis-tamis. Bagama't confident ang pinapakita niyang aura ngayon, ay deep inside nagra-rumble ang tyan niya sa kaba dahil sa wakas kaharap niya na ang manager ng shop na ilang araw niya nang binabalik-balikan.
"Yes, Ma'am, what's your order?", sagot ni Mika sa kaniya. Ni hindi niya sinunod ang sinabi ng customer niya na ngumiti.
"May gusto kasi ako dito pero baka kasi wala sa menu niyo", sagot naman ng isa habang kunwari pa'y may binabasa sa chalk board ng menu na taas na bahagi ng counter.
"That's okay, Ma'am. You can actually ask for anything you want and have our baristas serve it for you. Just give us instructions para macustomize namin ang order niyo the way you like it", pangiting wika ni Mika bilang pagpapaalala sa nakaraang encounter nilang dalawa. "For only 180 pesos Ma'am"
"Ahh. Ganun ba? Sure kayo, anything?", Vic smirked.
"Yes, Ma'am", ani ni Mika.
"So pwede ba akong umorder ng lakas ng loob with a little bit of sweetness and crushed confidence on top so I could formally introduce myself to you?", ngingiti-ngiting tugon ni Vic sa kaniya. The manager was caught off guard kaya't hindi niya malaman kung ang isasagot dito. Alam niya kasi na hindi niya pwedeng sagutin ng pabalang ang customer, at sa kabilang banda, nagulat din siya at hindi makapagreact dahil sa narinig.
"Ah-- uhmm. That is only applicable for our coffee and cream based drinks, Ma'am", napatikhim ng ilang ulit si Mika dahil tila nawala ang boses niya. Hindi niya naman kasi inexpect na babanat ang customer ng ganun. She remained her cool and had her maldita mask on.
"Joke lang Miss. Pero I want to have a caramel macchiato frappe, tall", Vic said as she stated her order, seriously this time. Nanatili pa rin siyang nakangiti dahil alam niyang kailangan niyang gawin iyon.
"Okay, Ma'am. Would that be all?", the manager asked, ignoring the 'joke' her customer has stated.
"Yes"
"Can I have your name, Ma'am?"
"Vic", sagot ng customer na hanggang ngayon ay nagpapacute pa rin. Isinulat naman iyon agad ng manager sa order ticket. "And you are?", dugtong niya naman din dito at inilahad niya rin ang nanlalamig niyang kamay sa magandang manager na nasa harap niya.
Patagong kinikilig at natatawa ang ibang crew ng coffee shop habang pinagmamasdan silang dalawa. At oo, lahat yan sila ay kinaibigan na ng magaling na si Victonara.
Hindi naman maitago ni Mika ang gulat sa mga mata niya. Totoo, hindi niya na naman iniiexpect iyon dahil routine naman ng mga coffee shops ang hingiin ang pangalan ng mga customers nila para sa orders. Napatingin siya sa kamay ng magandang-gwapong dalaga na ngayon ay nakalahad sa kaniya ng ang kunot ang noo at hindi alam ang gagawin.
"I'm Vic. You asked for my name diba? Can I have yours para fair naman?", muling tanong ng huli dahil medyo nangangalay na siya at kinakabahan na mapahiya na naman muli.
BINABASA MO ANG
The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)
Fanfiction(This is a Rhian Ramos/Glaiza de Castro x Mika Reyes/Ara Galang fanfiction) Can love really conquer all? Can it defy inevitable forces? Can you wait for true love to come? Co-written by SinNombre28.