"I missed you", bulong nito. Hindi niya na napigilan ang sariling sabihin ang bagay na yun dahil ito naman ang nilalaman talaga ng utak niya. Mika missed Vic too much and she forgot na nasa loob pa rin sila ng coffee shop and some customers were already staring at them. Maging ang ibang crew ay napatingin na rin sa dalawa at hindi mapigilan ang mapangiti.
Hindi naman makapaniwala si Vic sa narinig niya. Sure naman siya na kaninang umaga'y naglinis siya ng tenga kaya alam niyang tama ang pagkakarinig niya. Mika missed her, and ang kaninang pagkamangha ng kanyang mukha ay agad napalitan ng malapad na ngiti.
"How-- I mean ang bilis lang. How did you get here so fast?", agad niyang tanong nang maalala ng modelo na kanina lang ay nakita niya ang dalagang kaharap at binalak pang sundan ito. Bumitiw na rin siya sa pagkakayakap at hinarap ang babaeng ilang araw niya ring hinintay. "And--you changed your clothes too? I like it better when you're in your formal attire, but kahit ano naman eh", dagdag pa ni Mika. Sa totoo lang, kahit siya mismo ay hindi na rin sigurado kung siya pa nga ba ang nagsasalita dahil sa sobrang honest niya ngayon kay Victonara. She's being too transparent and she doesn't seem to mind.
"Teka--pwede ba munang sabihin na I missed you too?", sabay ngiti ng isa dahil hindi niya gustong palampasin na sabihin ang mga salitang yun.
"Did I just say na namiss kita?", pagmamaang-maangan naman ng isa. But Vic only rolled her eyes at her causing the taller lady to give her a hearty laugh.
'She even laughed too. Si Mika ba talaga tong kaharap ko?', sa isip niya.
"Fine. Oo nga sabi ko nga eh", pag-amin niya na rin.
Vic gave the lady her full smile. She just can't believe na ganito na ang mga nangyayari ngayon. Mabuti na lang at nagdecide siyang bumalik sa naturang shop at mukhang perfect timing lang siya.
"Flowers? Hindi ko alam kung anong ibibigay eh. I just need to say sorry if pinilit kitang sumama sa'kin nung last to watch a movie. Dapat nirespe--"
"No. I should be the one saying sorry. I shouldn't have said that", this is one of the few moments in which Mika apologized for something she did regret. Kadalasan kasi she wouldn't bother saying it lalo na sa mga naging karelasyon niya o manliligaw. Tinanggap niya rin ang bulaklak at nagpasalamat.
"Pero anong sabi mo kanina na nagpalit ako ng damit? I was already here since six this evening. Sabi nila Ben may meeting ka daw at hindi nila alam kung anong oras ka babalik or kung babalik ka pa", the shorter lady stated. Nagtaka naman si Mika dahil dito. Sigurado naman kasi siyang si Vic talaga ang nakita niya although hindi niya naman talaga ito nalapitan.
"Are you sure? Wala ka somewhere sa Mandaluyong kanina?", tanong nito.
"Oo nga. Anong gagawin ko dun?", she answered. Pinalagpas na lang ito ng modelo kasi baka namalikmata lang siya kanina. Alam niyo na, malabo naman kasi talaga ang mga mata niya eh.
"Okay. Kumain ka na ba?", she asked, pag-iiba ng usapan.
"Not yet", sabay kamot sa batok nito.
"Sige, dito ka na lang kumain. I'll just tell Ben to serve you food. Ano bang gusto mo?", pag-aasikaso nito sa kausap. Pati na rin nga ang mga crew na nakakarinig ng usapan ng dalawa ay nagtataka na sa pinapakitang 'care' ng kanilang boss sa kaaway nito noon, at ang pagiging tahimik ng makulit nilang customer.
"Are you sure?"
"Yes. Take your seat", she said as she made her way to the cashier. Agad niya ring inutusan ang kaniyang server na magbigay ng menu dito.
Vic obliged and sat at her favorite table. Umorder na rin siya ng kaniyang pagkain at niyaya si Mika na sumabay sa kaniya, but the manager just smiled at her and said na susunod lang siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/165146502-288-k36176.jpg)
BINABASA MO ANG
The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)
Fanfiction(This is a Rhian Ramos/Glaiza de Castro x Mika Reyes/Ara Galang fanfiction) Can love really conquer all? Can it defy inevitable forces? Can you wait for true love to come? Co-written by SinNombre28.