15 Minutes Of Flame

395 38 5
                                    

Mabilis ang pagpapatakbo ko ngayon ng sasakyan.

Ilang minuto na nga lang ang tinagal ko sa CR kanina para maligo at magtoothbrush kasi naalimpungatan ako. Hindi na rin ako nakapagtanghalian.

Late na kasi ako nakatulog kaninang umaga dahil nung pagkahatid ko mula kay Mika sa bahay nila after nung birthday party, ay naglaro muna ako ng Tekken 7 sa PS4 until three am. Nahirapan kasi ako makatulog dahil sa di pa rin ako makapaniwala sa situation namin ngayon ni Mika. Tapos pasado alas cinco pa ako tuluyang nakapagpahinga kasi ewan ko ba, sa sobrang tuwa ko siguro kaya nahirapan akong makahanap ng tulog at pagod kaagad. Parang buhay yung dugo ko.

Kaya yan tuloy.

Sa ala una na dapat magkikita kami ni Mika para sunduin ko siya to watch a movie tulad ng pagusapan namin kahapon, ay ala una rin ako nagising.

Halos maihi na nga ako sa pagmamadali eh.

Wala rin naman akong narereceive na message from her. Nakakapagtaka.

So I drove all the way to their coffee shop dahil halos mag-aalas dos na ng hapon. Bwisit. Ba't kasi ang batugan ko eh.

So I immediately parked my car sa usual space ko at agad na bumaba para mapuntahan si Mika. Pero, teka...parang may mali?

Nasaan yung?...

I was sure na dito naman yung The Traveller's Stop pero teka, ba't wala na yun dito?

Lumang building lang to, same building pero wala yung mismong shop? Wait...

Lumipat na ba sila? If yes, bakit walang nakwento sa'kin si Mika kagabi? Bakit parang ang bilis naman ata? Di kaya nagkamali ako? Pero halos araw-araw akong nandito ah parang imposible naman ata na magkamali pa ako, unless nagiging tanga na naman ako?

Nilapitan ko lang yung lugar, baka naman may tao sa loob pero hindi talaga eh. Abandonadong space lang ito ng mismong bulding tapos nakasarado yung roll up door na puno pa ng graffiti. I'm 100% sure na ito yung coffee shop. Nagsara na ba sila?

So I tried to roam around the vicinity. Chineck ko baka may identical building lang somewhere tapos na mislook ko. Kaya naglakad-lakad muna ako sa ilalim ng tirik na araw.

Halos nasa isang oras na akong umiikot pero wala naman talaga and I keep on coming back to that same place.

Ano bang nangyayari?

Ilang beses ko na ring sinusubukang tawagan si Mika pero cannot be reached siya. Ni walang text from her since this morning. Urgh.

I sat onto the curb na malapit sa sasakyan ko na kahit medyo may napapadaan ng konti at napapatingin sa'kin ay wala akong paki. I'm too distracted to notice pa yang mga yan. Isa pa, nakakalito lang kasi na parang ginu-goodtime ako eh. 

Napapakamot na ako sa batok ko sabay pa na tagaktak ang pawis ko sa noo at katawan ko. Basa na rin ang t-shirt ko. In short, mukha akong kawawa dito.

Hay. Paano ba to? Baka magalit na sa'kin si Mika. Dalawang oras na kong late sa usapan namin eh.

Then I took that vintage watch from my pocket. Nakakastress na po talaga kasi. Seryoso.

Kaso...

Teka lang ha?

Is this for real?

Wait...

Click

Fuck.

Click

Holy shit.

Napatayo na rin ako kagad sa gulat. Halos matumba pa nga ako. Ilang beses ko na rin kinusot ang dalawang mata ko. At sigurado naman akong hindi ako nananaginip dahil sa hapdi ng balat ko sa init ng araw ay imposibleng natutulog pa ako ngayon sa bahay. 

The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon