May 24, 2015 Monday 22:45
Kung may nakakarinig lang sa kaniya ngayon ay malamang sa binato na siya ng unan dahil sa nakakaritang tunog na ginagawa nito sa tenga. Sa sobrang pagkatulala ni Glaiza, ay ilang minuto niya na ring walang humpay na pinipindot ang retractable ballpen na hawak niya habang nagpaikot-ikot sa swivel chair na inuupuan niya, na nanakit na ang pisngi kakangiti.
'Finally!', she thought dahil tatlong taon mula sa oras niya ay magkikita na sila ni Rhian. Siguro mahabang taon ito para sa kaniya pero tulad ng spicy thigh part Chicken Joy ng Jollibee na paborito niya, ay she's willing to wait. Even if hindi naman siya sure sa future niya, she knows na darating siya sa meeting place na sinasabi sa kaniya ni Rhian.
Nang pinagmasdan niya pa nga ang address nito ay hindi niya alam kung bakit napakapamilyar ng lugar na ito para sa kaniya. Parang napuntahan niya na, pero hindi niya maalala kung saan ito.
Pero baka dahil excited lang talaga siya kaya iba ang pakiramdam niya.
Iniisip pa nga niya, three years from now, kung anong isusuot niya. Ano bang magandang damit na magugustuhan ni Rhian? Sana maalala pa siya nito kahit pa isang beses pa lang siya nakita ng dalaga. Ang ikalawa kasi, naka make up siya. Malaking kalokohan nga kung bakit Joker pa yung costume niya nung last. Sana nagsuperman na lang siya para atleast, kahit spandex pa ang damit niya ay kita naman ang mukha niya.
'Ano kaya ang magandang ibigay?', kanina niya pa to iniisip. Hindi niya kasi alam kung anong ibibigay na regalo. Kanina niya pa rin pinagmamasdan ang hawak niyang bracelet para dalhin niya na lang kung sakaling magkita na sila.
Naisip niya rin, I could probably send her flowers. Sana naman tumatanggap ang flowershop ng delivery kahit sa 2018 pa yun ipapadala.
So she did.
The morning after she went to the nearest flowershop para bumili ng bulaklak at ipadala tatlong taon mula sa oras niya. Nung una pa nga'y gusto itong tanggihan ng may-ari ng naturang tindahan dahil the plan sounds ridiculous. Who on earth would send flowers dated for the next three years? But after a few negotiations, ay pumayag na rin ito sa kondisyon na kailangan niyang magbayad ng 10% increase mula sa supposed price ng mismong delivery. Dahil wala naman daw kasiguraduhan kung anong mangyayari sa 2018, kung malakas pa ba ang business ng mismong flower shop or magsasara na.
Glaiza agreed. Masyado siyang masaya at excited para isipin pa ang mga karagdagang bayarin.
Matapos niyang bumili ay agad siyang nagsend ng email kay Rhian saying na she can't wait to see her.
~~
May 25, 2018 Friday 17:15
"Ate Whi? I'll be having a meeting later. Baka umalis ako maya-maya. Are you going to stay here lang ba?", tanong ni Mika sa'kin nang sumilip siya from the door.
"Yes, Ye. May hinihintay ako. Ako na bahala mamaya", sagot ko sa kaniya habang inaasikaso ko ang monthly inventory namin.
"Okay. You have a date?", natatawa niyang wika at tsaka pumasok na ng tuluyan sa loob ng opisina namin. Naupo na rin siya sa sofa.
"Maybe. If you call that a date. Pero magkikita lang kami"
"Why are you smiling? Oh my god--magkikita ba kayo nung kausap mo from the past?", natatawa ako sa kaartehan ng babaeng kausap ko. Gulat na gulat talaga eh. Pero nakasmile nga ba ako? Ewan ko basta kanina pa ako masaya.
"Oo. Sana. Baka mamaya. She said we'll meet daw today, meaning three years from her time", kwento ko naman sa kaniya
"Really?! I'm so happy for you, Ate Whi. And imagine, person who can wait three years just to finally see you? Where ma-get?", natawa na lang ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)
Fanfic(This is a Rhian Ramos/Glaiza de Castro x Mika Reyes/Ara Galang fanfiction) Can love really conquer all? Can it defy inevitable forces? Can you wait for true love to come? Co-written by SinNombre28.