Can We Be Seventeen Again?

409 33 12
                                    

May 28, 2015 Thursday 20:45


Mabilis akong nagmaneho papunta kay Ate Cha ngayon. Hindi na kasi ako mapakali.

Mula pa kaninang hapon tong confusion na nararamdaman ko.

Like WTF.

I could travel through time!

Imagine? Ako si Victonara Salas Galang na halos walang pakinabang sa mundo, pero pogi, ay kayang maglakbay sa oras.

I was originally from 2015 pero nakakatravel ako sa 2018.

Walang sinabi si Michael J. Fox sa nagagawa ko.

"Makikita mo ang taong nakatadhana para sa'yo", sabi nung matanda sa'kin noon bago niya iabot yung lumang relo. Naalala ko lahat ng sinabi niya. Naaalala ko rin kung paano ko binitbit yung basket ng pagkain na binili ko na pinamigay ko rin sa mga nagugutom na bata na madaanan ko pagkatapos.

Was she referring na ang taong nakatadhana para sa'kin ay si Mika all along?

Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nakakatravel ng oras di'ba?

Ang akala ko lang na stress reliever ko kada punta ko sa coffee shop na yun ang mismong rason kung paano ko nagagawa lahat ng yun ng di ko namamalayan.

Ang tanga ko lang di'ba?

Sige pindot, tapos nakakapunta't nakakabalik ako ng di ko namamalayan.

Kaya pala, naaalala ko, I saw Mika sa taon ko at di niya ako makilala. Yung mahaba pa yung buhok niya.

Ang nakakabilib pa dun, sa hinaba-haba ng panahon na nagpabalik-balik ako ng oras, ngayon ko lang to narealize. Iniisip ko rin, what will happen if nakita ko yung 2018 na Vic? I'm pretty sure na kung nakakatravel ako sa oras, meaning there will be two Vics sa year 2018. Bakit di ko siya nakita na bumabalik ng shop? What is she doing now? Bakit di niya pinupuntahan si Mika if iisang tao lang rin kami? I mean, dapat naalala niya si Mika di'ba?

Nung una, I wasn't sure kung bakit nawawala-wala yung shop as I click that watch, but then I realized everything nung nasa mall kami kanina to watch a film.

I've been waiting for Deadpool sa time ko, tapos malalaman ko na lang may part 2 na. Tapos, yung bawat movie posters, puro 2018 yung dates. Same din sa movie trailers bago ipalabas yung Citizen Jake.

Grabe nga yung pawis ko habang nanonood kami kanina ni Mika. Hindi ako makapagconcentrate kasi magulo para sa'kin yung mga nangyayari.

But then, Mika confirmed everything. I was from 2018. 'Was' kasi kagagaling ko lang dun at nasa 2015 na ako ngayon.

Nothing much has changed sa buong lugar. Except that from an abandoned space ng isang lumang building, ay lumilitaw lang ang The Traveller's Stop.

Kaya pala everytime nakakabalik ako sa totoong taon ko everytime I click the watch, hindi ko na macontact si Mika. Same way na kapag nasa 2018 ako, di ko macontact si Ate Cha.

Di ko rin alam kung mabibilib ako sa sarili ko kasi sa kakapindot ko ng mismong orasan na yun, perfect din na napupunta ako sa taon na kung saan dapat ako. Leche.

Di talaga ako makapaniwala hanggang ngayon to the point na nanlalamig na ang mga daliri ko at naiihi na ako sa pagmamadali na maikuwento to kay Ate Glaiza. I need to tell her about this kasi wala akong pwedeng mapagkukuwentuhan nito aside sa kaniya.

Kaya nagtext ako kaagad sa kaniya na pupunta ako, buti na lang at gising pa siya.

Tinakbo ako paakyat ng hagdan ng unit niya. Hinihingal na ako pero dahil sa adrenaline na dala ng excitement eh di ko yun ininda.

The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon