Behind the Eight-ball

648 44 10
                                    

The smell of the freshly brewed coffee fills up her room as she gazes that wall facing her window, making her lips curl into a small smile. Kung noon, ay hindi niya nga halos pansinin ang kaniyang kaisa-isang bintana dahil sa pader na humaharang sa nakikita niya, ngayon ay alas sais pa lamang ng umaga ay malaki at masigla niya nang binuksan ito. Maliit man ang mga ngiti na nabuo ng mga labi niya ngayon ay hindi maipagkakaila ni Rhian na malaki ang ngiti ng kaniyang puso. Cheesy.

Pagod man noong nakaraang gabi at kahit sanay nang late na magising sa umaga ang dalaga ay kusa itong bumangon ng maaga ngayong araw para pagmasdan ang isinulat ni Glaiza para sa kaniya. Iba pa pala sa pakiramdam na mabasa mo ito ng umaga. Iba ang dulot na liwanag ng sikat ng araw kesa sa flashlight lang kagabi.

Pero iba rin sa pakiramdam dahil kung meron sa loob niya na napaka comforting ng mga salitang nakasulat sa pader na kaharap niya ngayon. Tila napakapamilyar nito sa kaniya na akala mo narinig niya na ito somewhere.

May 18, 2018 Sent at 06:28
anonymous to ggalura021@gmail.com

Re: Hi Babe.

Hi Glai! Good morning. Thank you. 

Ewan ko, pero gusto kong magpasalamat dahil sa ginawa mo. Tuloy ngayon binuksan ko na ang binatana ng unit ko dahil sa sinulat mo. And it was effective. You made me smile. Di na ako nakamessage sayo kagabi kasi naka focus na ko sa ginawa mo. I totally forgot everything, hehe pasensya na. Again, thank you! <3

**end of message**

May 18, 2015 Sent at 06:32
ggalura021@gmail.com to anonymous

Re: Hi Babe.

Goodmorning, Rhian. You're welcome! Always welcome. :) Wala yun, okay lang. Masaya na ko kasi atleast it brightened up your mood. And masaya na rin ako na binuksan mo yung bintana mo, kailangan mo rin ng fresh air paminsan-minsan. 

**end of message**

May 18, 2018 Sent at 06:38
anonymous to ggalura021@gmail.com

Re: Hi Babe.  

Ang aga mo namang nagising. Nagulat ako sa reply mo. Anong oras ba yung pasok mo? Monday ngayon diyan diba?

**end of message**

May 18, 2015 Sent at 06:41
ggalura021@gmail.com to anonymous

Re: Hi Babe.

Sa'yo nga ako actually  nagulat kasi ang aga mong nagising. Tulog ka pa ng ganitong oras diba? Yes, I have a work at 8. But nandito ako sa ilalim ng under construction na condo mo. I'm having my morning coffee harap yung pader na sinulatan ko kagabi. Hehe

**end of message**

Right after mabasa ni Rhian ang message ni Glaiza, ay mabilis itong tumayo mula sa kinauupuan niya at dumungaw sa kaniyang bintana. She hoped na baka naman makita niya na finally ang kaniyang kausap sa baba, but to her disappointment, mga bakanteng benches lang nakita niya at mangilan-ngilang tenant ng condo na nagjojogging at nagwa-walking.

May 18, 2018 Sent at 06:46
anonymous to ggalura021@gmail.com

Re: Hi Babe

The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon