Flashback.
May 11, 2018
Simula nang tumungtong ang taon ng 2018, ay di na talaga ako mapakali. Gustong-gusto kong bilangin ang bawat araw pero alam ko rin na kapag ginawa ko yun, ay mas tatagal pa ang oras. Ganun naman talaga, the more you anticipate, the longer you wait. Thus, I kept myself busy sa pagsusulat.
I wrote 'If Only' last year with the same amount of energy and feelings as my first book, 'The Fall' . However, mas mababa nga lang kung tutuusin ang benta nito kahit pa na mas konti pa ang number ng copies nang nirelease ko ito.
Mahirap maging isang kilalang manunulat. Hindi lang ito basta self-satisfaction kasi you always wanted to be heard. To be understood. You always need an audience. Heartwarming ang feeling na maappreciate ng mga tao ang likha mo. Kaya super struggle talaga itong pinili ko. Pero I don't mind, oo, mahirap, pero alam ko sa sarili ko na ito ang gusto ko. At kapag ginusto ko, gagawa at gagawan ko palagi ng paraan para makamit yun.
Tulad ng sa amin ni Rhian.
Sa huling e-mail niya sa'kin, she told me to stop. Yes, pwedeng sinunod ko yun dahil iyon ang gusto niya, pero that wasn't my original plan. I always wanted to meet her. Gusto ko siya defintely kaya madalas ko siyang nakita sa taon ko kahit di niya pa talaga ako kilala. Kasi 'pag ayaw may dahilan, kapag gusto palaging merong paraan. Ngayon, umaasa na lang ako na gusto rin to ni Rhian kahit na pakiramdam ko, hinahanapan niya na lang ito ng dahilan kung bakit hindi kami pwede. Sana naman nakikinig din siya kay Rico Blanco di'ba?
Kaya yun, instead of counting the days, eh sinubsob ko na lang ang sarili ko sa pagsusulat. Swerte ako dahil di ako dinadapuan ng writer's block kaya walang mintis ang pagpapatuloy ko sa ikatatlo kong libro, ang 'Until It's Time'. Plano ko kasi, ipublish ang libro at gawing regalo kay Rhian sa oras na magkita na kami.
The book is mainly about us. Our story. It may be a fictional and fantastical sa readers but this solely based on our love story. Walang binago. Walang akong may pinalitan.
I was on my way to the last chapter of the said book nang marinig ko ang pag-alarm ng cellphone ko. It was already six in the morning at wala pa akong tulog.
As I look into it, it was a calendar alam that says 'Hi babe'.
Napatayo ako sa gulat. Literal.
Nasa ika limang buwan na pala talaga ng taon at napakabilis lang talaga ng tinakbo ng mga araw. I couldn't keep track of my time.
Ito na pala ang mismong araw na nasend ko accidentally kay Rhian ang drunk email for my ex.
Ito yung sinasabi kong di ako sumusuko. I just gave us time. Naghintay lang talaga ako. At kinaya ko.
Hinintay ko lang talaga na magkrus muli ang oras namin ng babaeng pinakamamahal ko.
Kaya di ko siya sinubukang hanapin kasi naghihintay lang talaga ako ng tamang oras namin. At ngayon yun.
Nireview ko kasi ang exchange of mails naming dalawa. Simula sa pinakauna, hanggang sa pinakahuli. Narealize ko na kung tatlong taon ang pagitan naming dalawa, ibig sabihin, tatlong taon lang din ang hihintayin ko para magoverlap ako sa oras niya. Baka sakali na kung ganun nga ay hindi ko na kailangang magpakilala.
Alas sais pa lang ng umaga ng tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tiningnan ang mukha ko sa salamin. Oo, malaki ang eyebags ko dahil sa madalas akong walang tulog. I can even smell myself dahil nga hindi na rin ako madalas naliligo. Oh, wag kayong judgmental. Ang totoong writer ay bihira lamang makasagupa ng sabon at tubig. Pero ngayong araw na ito, pakiramdam ko, buhay na buhay ako.
BINABASA MO ANG
The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)
Fanfic(This is a Rhian Ramos/Glaiza de Castro x Mika Reyes/Ara Galang fanfiction) Can love really conquer all? Can it defy inevitable forces? Can you wait for true love to come? Co-written by SinNombre28.