Begin Again

1.1K 44 5
                                    


Nakaupo lang sya sa sahig ng kwarto nya, mag-isa at patuloy na tinatanong ang sarili. Sa'n ba sya nagkulang? Iyan ang tanong na paulit-ulit na bumabagabag sa kanya mula ng hiwalayan sya ng girlfriend nya. Ang babaeng akala nyang makakasama nya sa pagtanda. Ang babaeng kasabay nya sa paggawa ng masasayang alaala. Ang taong buong akala niya'y hawak kamay nyang aabot sa kanilang pangarap.

Pero sa isang iglap lang ay natapos lahat. "Ayoko na, sawa na ako!" Ang limang salitang iyon ang tumapos sa mahigit limang taon nilang pagsasama. The pain of those words pierced through her chest and broke her heart. It's been almost a month after their break up at sariwa pa ang malalim na sugat na dulot nito sa kanya. Halos isang buwan na rin syang hindi makapagtrabaho ng maayos dahil sa kakaisip kung saan sya nagkulang sa relasyong kay tagal nyang iningatan.

"Nakamukmok ka na naman." Pukaw sa kanya ng taong bigla na lang pumasok ng kwarto niya. At kahit nakapikit pa'y kilalang kilala niya na kung sino ito.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Parang tinatamad na tanong ni Glaiza habang nakapikit pa rin sa taong nakatayo lang sa harap nya.

"Ano pa ba? Edi para pagaanin ang buhay mo." Nakangising sagot ni Vic sa kaibigan at tinabihan ito.

"Stress lang ang dala mo sa buhay ko." Irap ni Glaiza kay Victonara. Hindi din nya alam kung bakit gustong gusto ng batang to na kulitin sya.

"Grabe ka Ate Cha ha. That hurts." Sagot ni Vic at nag-akto pang pinupukpok and dibdib na animo'y nasasaktan sa narinig nya.

"Heto oh, mas masakit."binatukan nya ang kausap na lalong nagpairap pa dito. "Ba't ka ba nandito talaga ha? Nanggugulo ka lang eh"

"Aray naman. Wala lang, yayayain lang sana kitang lumabas." Vic answered habang kinakamot ang parte ng ulong binatukan ng Ate Glaiza nya.

"Inom na naman? Alam ba ng mga magulang mo pinaggagawa mo ha?"

"Ate Cha matanda na ako at okay lang kina Mom and Dad lahat ng gagawin ko, besides ikaw naman kasama ko."

"Ipapahamak mo pa ko eh. Tsaka oo nga, matanda ka na, bente uno ka na di'ba? Dapat may trabaho ka na nga eh." Dagdag pangaral pa ni Glaiza sa kausap.

"Ah basta, tumayo ka na dyan. Hihintayin na kita sa labas." Pagtatapos ni Vic sa usapan. Ayaw na ayaw niya rin kasi kapag trabaho ang pinag-uusapan. Eh sa tinatamad siya eh.

Glaiza just sighed and followed what she was told. Hindi na siya nagprotesta dahil alam niya namang kapag tumanggi siya ay kukulitin pa rin naman siya nito. Isa pa, sa sitwasyon nya ngayon, she needs Vic's company at alam na alam din yun ng kaibigan dahil lagi itong dumadating sa oras na kailangan nya ito.

Anak si Victonara o Vic, na mas gusto niyang tawag sa kaniya, ng bestfriend ng tatay ni Glaiza kaya naging kaibigan nya rin ito. At kahit pa magkaiba sila ng ugali at anim na taon ang agwat ng edad ay magkasundo silang dalawa. Kung ituring nila ang isa't isa'y higit pa nga sa magkapatid. Like her, Vic is also a lesbian but unlike her, si Victonara ay may kayabangang taglay lalo na sa pagiging magandang gwapo nito. Pero ang kayabangan nito'y sa panlabas lang. Vic has never entered into a relationship kahit pa lagi nitong pinagyayabang na maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Si Victonara ay torpe na syang laging panukso ni Glaiza sa kanya.

Vic then brought her to their favorite hang out at tulad ng mga nakaraang gabing nagpupunta sila dito ay hindi na nagpaawat sa pag-inom si Glaiza na hinayaan na lang ng kaibigan. Hindi na nakuha pang uminom ng una dahil sya pa ang magmamaneho para sa kanilang dalawa.

Vic can't help but laugh sa nakikitang hitsura ng kaibigan. Nasa ika-pitong bote na ang ng beer si Glaiza nang iopen niya muli ang topic ng break up nila ng girlfriend niya. Ibang iba talaga ito pag lasing na. Parang hindi na sya ang tahimik at seryosong Ate Cha niya pag lasing ito. She's so wasted. Nakasalampak na rin ang kalahati ng katawan niya sa lamesa yakap-yakap ang bote ng alak na ngayon ay nasa kalahati na.

The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon