Epilogue

971 52 59
                                    

(A/N: I'm not even sure if this can be considered as an epilogue dahil sa sobrang haba nito, but since it concludes everything and we have to end the story na mas satisfying than the last chapter so here it goes. Sana magustuhan niyo.)

***

"So okay na kayo? I'll be going na ha?", natatawang paalam ni Rhian sa dalawa. Katatapos lang kasi ng isang unexpected mini event sa loob ng kanilang coffee shop gawa ni Mika at ni Victonara.

"Oh, wait. Where are you going, Ate?", pigil ni Mika sa kaniya. Maaaring humupa na ang kilig ng mga customers nila ngayon at bumalik na sila sa kani-kanilang pinagkakaabalahan, pero para sa dalaga, hindi pa siya ready na maiwan kasama si Vic.

"I have an important date. So maiwan ko na muna kayo ha? Architect, ikaw na bahala diyan sa kaibigan ko. Medyo pabebe yan pero take good care of her", pabirong bilin ni Rhian sa kaniya. Pero alam ni Vic na seryoso ang matalik na kaibigan ni Mika sa mga binitiwan nitong salita.

"Yes, Ate. I will", ngiti naman nito and mouthed 'thank you'. The racer just nodded and bid her goodbye.

"Huy maka-Ate ka. Since when kayo naging close?", taas kilay na tanong ni Mika sa arkitekto. "Hey, Ate Whi! Chika mo yang date na yan ha!", sigaw naman nito sa kaibigan habang papalabas na ito ng shop.

"Bye, Ye. Enjoy", sabay tawa lang nito.

"So--ano na? Liligawan na ba kita?", tanong naman ni Vic nang maiwan na lang silang dalawa ngayon.

"Urgh, Victonara. Ewan ko sa'yo!", gigil na sagot lang ng modelo dito at tsaka iniwan na ang kasama para tumungo sa cashier. Di naman mapigilan ni Vic na mapangiti dahil finally, she could now redeem their almost-relationship and start again.

~~

Rhian drove herself papuntang publishing house na pinagmamay-ari ni Glaiza after that funny yet romantic surprise ni Vic kay Mika. She knows how much the latter likes the architect pero di nya rin ito masisisi kung bakit medyo pakipot pa ito kay Victonara. At siya mismo'y nagulat rin dahil may tinatago palang funny side nya ang arkitekto na dati'y hindi nito pinapakita sa kanya. She can feel too how much Vic loves Rhian kaya napapaisip sya kung bakit nagawa ng arkitekto yun sa best friend nya.

She was lost with those thoughts kaya di nya namalayang malapit na pala siya sa publishing shop ng nobya. When she read the shop's sign ay agad nyang pinarada ang kotse katabi ng isang lumang Honda Civic sa tapat mismo ng shop ni Glaiza.

"Left to write." She read the sign at napangiti dahil mukhang nagamit talaga ni Glaiza ang pagiging witty neto. Manunulat nga talaga.

She entered the shop at isang nakangiting babae ang sumalubong sa kanya. "Good afternoon ma'am, how can I help you po?" Turan neto sa kapapasok pa lang.

"Hi, andyan ba si Glaiza?" Tanong pabalik naman ni Rhian dito.

"Pwede po bang malaman kung sino po sila?" The young lady asked again.

"Siguro siya si Karen", Rhian thought. Naalala niya kasing Glaiza mentioned it through text na may kasama siya dito. "Uhm,  Rhian Howell, and she's expecting me."

"Ay, opo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Glaiza" Sagot naman ni Karen ng matanto kung sino ang kausap. "Andun po ang office niya." Turo nito sa pinto sa likod na bahagi ng shop kaya dumiretso na dun si Rhian.

While walking towards Glaiza's office ay nilibot din ni Rhian ang mata sa paligid at di nya mapigil ang mamangha sa nakikita. Sa labas ay aakalain mong maliit lang ang shop ng nobya pero ng pumasok na sya'y parang lumaki ito dahil sa dami ng librong bumungad sa kanya. Mula sa reference books, textbooks, pocketbooks at kung anu anong libro pang nililimbag ng negosyo ni Glaiza. Kitang kita mo ang labis na pagmamahal ng huli sa aklat at pagsusulat dahil sa pagkakaayos ng mga librong naandon.

The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon