At Sixes And Sevens (pt. 2)

595 42 10
                                    

May 16, 2018 Sent at 23:45
anonymous to ggalura021@gmail.com

Re: Hi Babe.

Sorry, I wasn't able to reply sa message mo kanina. Nandito kasi yung friend ko ngayon nakitulog. Anyway, natatawa naman ako kasi humugot ka talaga ngayon ha? Lol pero yes, tama. Time shouldn't be wasted sa mga tao na hindi para sa'tin.

Okay, Glaiza. Though I'm not really sure if sa time mo, nakareceive ako ng friend request galing sa'yo.

**end of message**

May 17, 2015 Sent at 09:02
ggalura021@gmail.com to anonymous

Re: Hi Babe.

Okay lang. Dumating din kasi yung kaibigan ko dito kagabi at nangulit kaya di na rin ako nakaopen ng email ko. Hahahaha! Hindi naman hugot yun, mga natutunan ko lang. There's no other way but to move forward, di'ba?

Mukhang hindi pa nga ako kinoconfirm ng 2015 na Rhian. Good morning!

**end of message**

Mensahe ni Glaiza kay Rhian habang siya ngayon ay nagkakape at nagaalmusal habang kaharap ang laptop niya sa dining table ng unit niya. Hindi niya rin napigilan ang sarili sa sobrang laki ng ngiti niya ngayon.

She still couldn't believe na may nakakausap siyang babae from the future. Pero mas pinili niya na maniwala na lang sa mga nangyayari at magpaagos dito. Isa pa, aayaw pa ba siya gayo't napakagandang dilag pala ang nakakausap niya?

Naputol ang kaniyang pagmumuni-muni nang makatanggap siya ng biglaang tawag mula kay Victonara.

"Ano ba to, ang aga-aga", wika niya. Paniguradong mangungulit na naman to sa kaniya o manghihingi ng tulong sa babaeng pinopormahan niya. Kulit lang talaga.

"Oh?", wika niya pagsagot niya ng kaniyang cellphone.

"Ate, tulungan mo naman ako. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko eh", wika ng kaniyang kaibigan sa kabilang linya. Makailang ulit na rin siya nitong tinanong sa parehong dahilan.

"Ang kulit mo, Victonara. Sinabi ko na sa'yo na diskarte mo na yan diba?", natatawang wika ni Glaiza sa kausap.

"Eh kasi naman, nakakakaba. Baka di na niya ako pansinin pag bumanat na naman ako eh", pagmamaktol naman ng isa. Kahit hindi pa siya nakikita ng manunulat ngayon ay naiimagine na nito ang mukha ng kaniyang kaibigan. Halata kasing hindi ito mapakali.

"Basta malalaman mo rin yang gagawin mo pang nandun ka na. Wag mo ngang pagplanuhan lahat. Dapat spontaneous ka lang", bilin ng mas nakakatanda sa kausap.

"Para naman atleast di'ba, alam ko gagawin ko kahit papano?"

"Ewan ko sayo, Biktonara", pabirong tawag ng isa. "Teka, ang aga pa nito ah, wag mo sabihing pupuntahan mo siya ng ganito kaaga. Linggo kaya ngayon"

"Mamaya pa naman konti, Ate. Bago maglunch siguro", tugon ng kausap. "Ate, samahan mo na lang kaya ako mamaya? Dun ka na lang din maglunch sabay na lang tayo para makita mo rin si Mika", dagdag pa nito bilang suggestion.

"Pwede naman siguro. Sige. Anong oras ako pupunta? Tsaka, san ba yan?"

"Malapit lang sa'yo. Mga limang kanto siguro paglabas ng mo ng main street. Basta yung may Metrobank. Tapos liko ka sa kanan tas pag nakita mo yung parang hardware, sa tawid nun dun na yun. The Traveller's Stop yung pangalan ng coffee shop"

"Okay, ang haba. Hahaha Mga 12 okay na ba yun?"

"Sige, Ate hintayin na lang kita"

"Itext mo na lang din sa'kin uli yung instruction para may copy ako. Makabigay ka naman kasi"

The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon