May 29, 2015 Friday 18:04"Tao po!", sigaw ko kahit pa napindot ko na ang doorbell.
Kararating ko lang dito sa bahay nila Mika para puntahan siya tulad ng ipinangako ko.
Kahit pa iba ang pinta ng bahay ngayon. Na dapat ay puti pero light blue ngayon.
I know, di ko na magamit ang relo from that moment na nasira na yun but I still tried. Still hoping that I'd still get to see her even without that watch.
Ilang minuto pa't sinubukan ko muling pindutin ang doorbell timing na may lumabas na lalaking nasa edad 40 na.
"Sino sila?", tanong niya sa'kin paglabas niya ng pintuan. Agad din siyang lumapit sa direksyon ko dito sa labas ng gate. Kunot ang noo at may suot na eyeglasses.
"Vic po. Nandiyan po ba si Mika?", I asked him.
"Sinong Mika?"
"Mika Reyes po. Nandiyan po ba siya ngayon?", tanong ko ulit. Deep inside, I'm hoping he'd say yes. Na kanina niya pa ako hinihintay sa loob kasi birthday ng kapatid niya ngayon. But,
"Walang Mika dito, Hijo. Baka nagkakamali ka ng bahay", sagot niya sa'kin. "Walang Reyes dito. Reyes kamo no?"
"Opo"
"Eh Cruz ang mga nakatira dito, Hijo. Try mo diyan sa kabila baka dun yung hinahanap mo", tanging sinabi niya sa'kin. Tumango na lang ako sa kaniya bilang pag-agree, but I was sure naman na ito talaga ang bahay nila. Makailang beses ko ring hinatid-sundo dito si Mika kaya imposibleng magkamali pa ako.
Ang sama ng pakiramdam ko. Gusto kong maiyak na lang ngayon dahil pakiramdam ko wala na tong pag-asa. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Mika. Hindi ko siya matawagan. Hindi ko siya macontact. Wala talagang any means na makita ko pa siyang muli. She's three years ahead of my time.
Kung hindi lang sana sinira ni Ate Cha yung relo, wala sana akong problemang ganito. Hindi ko rin magets bakit niya ginawa yun eh. Pero basta masama talaga ang loob ko sa kaniya.
"Sige po. Salamat", yun lang yung nasabi ko sa lalaki kasi naubusan na ata ako ng sasabihin.
Sumakay na ulit ako ng sasakyan para magdrive at maghanap ng watch repair shop.
Sinubukan ko nang patingnan yung relo sa isang mall. Pero sabi nila masyado na itong sira at mahihirapan sila maghanap ng piyesa dahil sa luma na nga daw ito at hindi na mahahanap ngayon.
Pero di ako nawawalan ng pag-asa. I will still try. I need to get this fixed as soon as possible dahil kung hindi tuluyan nang mawawala sa'kin si Mika.
"Kuya, hindi na po ba pwede talaga?", tanong ko sa isang repair man habang maigi niyang chinicheck yung relo.
"Eh, mahirap na ata talagang gawin to. Nasira yung pinakamakina niya. Mechanical wind up pa yata to. Mahihirapan tayo sa ibang piyesa nito kasi wala ka nang mabibilhan niyan dito. Ano bang nangyari dito?", he askedhabang patuloy na tinitingnan ang buong orasan.
BINABASA MO ANG
The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)
Fanfiction(This is a Rhian Ramos/Glaiza de Castro x Mika Reyes/Ara Galang fanfiction) Can love really conquer all? Can it defy inevitable forces? Can you wait for true love to come? Co-written by SinNombre28.