Roaring Twenties

487 44 28
                                    

January 2016


"Pre, aalis ka na talaga?", tanong ni Kyle sa'kin. "Iiwan mo na talaga kami?"

"Dito lang, pre. Tsaka wag ka nga magdrama. Di bagay", sagot ko lang sa kaniya habang iniisa-isa kong nililigpit ang mga gamit ko sa box. Nakapalibot sa'kin ngayon ang mga kabarkada ko dito sa lamesa ko.

"Langya ka, Pre. Kung di ko lang alam na kinuha mo lang talaga muna yung 13th month mo at bonus bago ka magresign", natatawa naman nitong sagot sa'kin. Natawa rin ako sa kaniya kasi tama naman siya eh. Pero bukod dun, ayoko na talaga manatili dito.

"G, seryoso ka ba talaga diyan? Associate editor ka ng Prime. I'm sure mahihirapan kami maghanap ng papalit sa position mo", sagot naman ni TJ na ngayon ay nakatayo sa likod ko.

"Eh kung makabully yung boss natin sa'kin parang di naman ako kawalan. Isa pa, alam niyo na rin naman yung plan ko kaya kailangan ko magresign di'ba?", sagot ko na lang sa kanila.

"Believe it or not G, pagpasa mo ng resignation letter mo last month, halos manggalaiti yun kasi malaking position ang hawak mo. Kilala mo naman yun di'ba hindi nagse-settle sa mediocrity. Dapat magaling talaga", sagot naman ni Wyn.

"Di ko na siguro problema yun. Okay na yung five years na employment ko dito. Eh sapat na rin naman yung naipon kong pera para makapagsimula ng small time publishing house", sagot ko naman sa kanila tapos ay chineck ko ang relo ko. Last day ko na as an employee ng Prime. At ilang minuto na lang, malaya na ko.

"Glai, ikaw lang kilala ko na nagreresign na nakangiti", sabat naman ni Alex. Nakangiti ba ako? Ewan ko, hindi ko na napansin ata. Alam ko lang pakiramdam ko ngayon, para akong nabunutan ng tinik.

"Pa'nong di ngingiti yan, eh di'ba may makukuha ka sa company na separation pay pag naka five years ka na? Kaya planado niya to...", pabulong sinabi ni Kyle ang huling bahagi na yun na siyang malakas na ikinatawa ko. Napatingin na rin sa'kin yung iba naming katrabaho. Loko talaga.

"Ang ingay nito. Oo na. Pero mas trip ko talaga gumawa ng libro kesa magsulat sa magazine. Kaya hayaan niyo na ako", pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Hindi ka naman namin pinipigilan yung pangarap mo, G. Siyempre mami-miss ka lang talaga ng barkada", Wyn softly explain na siyang nagpa aktong kunwari'y naluluha ang mga kasama ko.

"Sige na. Magpapainom na lang ako mamaya, after nitong  shift. Total Friday naman ngayon eh", wika ko na lang. Oo, sabihin na nating cine-celebrate ko ngayon ang pagiging free ko sa kompanyang ito.

"Yun oh! Yun talaga hinihintay namin eh. Sige na G, pwede ka nang lumayas after mamaya", loka-loka talaga tong si Alex. Kababaeng tao, manginginom. Pero wala sa gender yun. Alcohol is made for celebration naman. Ahihi.

Are you guys wondering what happened four months ago?

Ganito kasi yun: After kami mahuli ni Kyle ni Jayson dun sa race track, kinabukasan pinapunta kami ng boss namin sa opisina niya umagang-umaga pa lang. Akala nga naming makakalimutan niya na yung nangyari pero hindi. That was the first instruction na binigay niya sa'kin pagkapasok niya pa lang ng opisina niya: to see him in his office.

So pumunta na kami. Nung akala namin pagagalitan niya na kami, sinabi niya we should watch more of his race. Oh di'ba? Medyo natawa nga kami ni Kyle dun kasi ito lang pala yung weakness niya. Pero, siyempre di na ako bumalik ng race track. I don't know with Kyle pero ako kasi, di na ako babalik dun at wala na akong planong bumalik.

Nalaman ko rin kasi nung araw ding yun na on-leave si Rhian sa trabaho niya at nasa London siya for a Vacation. So did I find her, pero unfortunately wala naming nakakaalam kung kelan siya babalik uli dun. 

The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon