23 Skidoo

377 35 28
                                    

April 2020


"Bakit ba daw sa'yo pinadala ni Mika?", Jayson asked as we're making our way to the courier to pick up some baggages na pinadala ni Mika sa'kin nang tinawagan niya ako two weeks ago.

"Kasi nga out of town ang parents niya and bakasyon ng mga kapatid niya sa Bulacan since it's summer. So basically, walang tatanggap ng gamit niya sa bahay nila", I explained. Medyo irritating na nga ang question na yun kasi, ano bang deal kung ako ang kukuha. She's my friend anyway, more like a younger sister to me na nga eh.

"Wala ba silang caretaker sa bahay nila?", pagpapatuloy na tanong nito.

"Meron. But she can't just leave it there daw kasi there are some items na valuable daw and may mga padala din daw siya for me. Kaya para isang address na lang daw and iwas hassle, so yun. Kukunin niya rin naman daw yun kasi uuwi na siya next month dito kasi tapos na yung contract niya with Vogue", kinuwento ko na lang yung buong story kasi kanina pa siya tanong ng tanong. "May tanong ka pa ba?"

"Ang suplada nito", pagpapacute na comment niya at sinubukang hawakan ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. Nope, di ako nagulat dahil sa sparks, but I find it very uneasy. Kaya dahan-dahan kong binawi yun at tinap ng marahan ang kamay niya.

Jayson and I, no, we're not a thing. We are not together, just yet. Well, with plans, I'm not sure. It's just that when he formally asked kung pwede niya na ba daw akong ligawan I said yes right away. Hindi dahil gusto ko siya but naisip ko, I should give him a chance since matagal na kaming magkakilala, and I should give myself a chance too. It's been a year na exclusively dating kami.

"Hindi kasi, you just ask too many questions. I mean, pwede naman iaddress ni Mika yung baggages niya to whom and whoever she wants to. Sabi sa'yo ako na lang magpi-pick up if istorbo sa'yo eh", pagdidiin ko. Ganito ako pagdating kay Jayson. Di ko alam, feeling ko nga ang unfair ko sa kaniya dahil alam ko naman sa sarili kong di ko talaga siya gusto but I'm trying my best na gustuhin siya.

"Hindi naman sa ganun. I was just curious lang kasi. Sige na, I'll just keep quiet na lang", he conceded.

Medyo naawa naman ako sa tono ng boses niya. Tama naman. Baka naman kasi nagtatanong lang naman talaga siya at ako lang itong iritable. Hay.

"Okay, we'll just have lunch na lang once makuha na natin yun. My treat", pilit na ngiti kong sinabi sa kaniya para naman makabawi. Ngumiti na rin siya sa'kin. Of course, kasi everytime kumakain kami sa labas na kaming dalawa lang, he always consider it as a date. Kahit plain na meal lang minsan.

"Sabi mo yan ha?"

"Oo nga. Kaya bilisan mo na diyan kasi I'm starving. Di ako nakapagbreakfast kanina"

"Pa'no ka makakapagbreakfast eh late ka na naman nagising"

"Huh? Hmm--hindi ah", pagmamaang-maangan ko. Medyo nahiya ako dun kasi maaga kong tinapos ang tawag niya kagabi kasi nagpaalam ako matutulog na ako. But ayun, three am na naman ako nakatulog kanina and I woke up at 10. Ayoko lang talaga siya makausap ng matagal.

"Okay lang, Rhi. You don't have to deny it"

"Eh--paano mo--"

"Time na online ka on messenger. Chineck ko. You're online until three am and you posted an IG story at two am in which agad mo ring dinilete", he stated na siyang ikinatawa ko. "Oh, why are you laughing?"

"Wala-wala. Kalalaki mo kasing tao para kang babae kung mag investigate"

"Uy, wala yun sa gender no"

"I know. Pero didn't know na medyo stalker ka pala. Para kang girlfriend na nagbabantay sa boyfriend mong pinaghihinalaan mong niloloko ka", biro ko sa kaniya.

The Traveller's Stop (RaStro x KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon