Tilian. Sigawan. Iritan.
Nakakarindi! Ang sakit sa tenga!
Pero aminin mo, isa ka sa kanila.
Isa ka sa mga taga-hanga niya.
Isa ka sa nangangarap na mayakap siya kahit saglit lang.
Isa ka sa mga nag-aabang at naghahanap ng mga libro niya.
Isa ka sa mga nagla-like at nagshe-share ng mga love advices niya.
At higit sa lahat, isa ka sa mga umaabang ng RELATIONSHIP STATUS niya!
Tama ako, di ba?
Yung kahit sa instagram niya, pilit kang humahanap kung may special someone siya.
Isama mo na rin ang pag-stalk mo sa twitter at facebook page niya.
At kung positive, 'ouch, ang sakit bh3' ang nais mong sabihin.
With matching '<///3' pa sa comment!
Broken hearted ka na naman sa taong kahit kelan ay hindi naman naging o magiging sayo.
Broken hearted ka na naman sa taong hindi ka naman kilala o nakilala man lang.
Broken hearted na nga, hopeless romantic pa!
Ganyan tayo eh!
Ito ang kwentong, magbibigay ng konting pag-asa kahit sabihing imposible.
Kwentong sasamahan ka sa saya, kilig at sakit.
Kwento ko, at maaaring maging kwento mo rin.
O mas madaling sabihin, kwento ng mga umaasa sa isang hinahangaan nila.
Ito ang kwentong PARA SA ISANG MARCELO SANTOS III.
Date Posted: August 10, 2014
(less than 50 Chapters ONLY!)
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.