¦ Baterya ¦

33 3 0
                                        

Isang munting baterya ang iyong sinipa dahil para sa iyo, ito ay sagabal.

Isang munting baterya ang iyong itinapon sa basurahan dahil para sa iyo, ito ay isang dumi.

Isang baterya ang iyong binabalewala dahil para sa iyo, ito ay walang pakinabang.

Ang pag-ibig, parang baterya.

Isinasantabi

Tinatapon

Binabalewala

Ngunit hindi alam ang halaga.

Halagang napakahalaga.

Hindi mo alam na kung wala ito, sa panahong nag-iisa ka at madilim, ito ang nagbibigay liwanag para ikaw ay hindi matakot.

Hindi mo din alam na kung sa tuwing titingin ka sa orasan ay ang baterya ang siyang nagbibigay buhay para ikaw ay paalalahanan at bigyan ng sapat at tamang oras.

At lalong hindi mo alam na ang bateryang iyong kinukutya dahil sa angkin nitong pisikal na anyo ang halos nagbibigay sa iyo ng magandang buhay.

Kagaya ko ang isang baterya!

Ginamit...

Natapos...

Tinapon...

Pinalitan...

PS. sana ma gets niyo😢

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon