Mahal, paalam na
Hindi ko na kinakaya
Masyado nang mabigat ang nadarama
Sana maging masaya ka na.
Sa aking pag-lisan,
Paki-usap huwag kang magmaka-awang akin ka pang balikan
Ayokong umasa ka at masaktan
Kagaya ng ginagawa ko sa'kin sa kasalukuyan.
Sa aking pagpanaw,
Huwag mo akong iyakan
Huwag mo akong puntahan
At huwag mo akong kaawaan.
Gagawin ko ito para sa minamahal ko
Gagawin ko ito para matapos na ang paghihirap mo
Gagawin ko ito para matigil na ang pagtitiis mo
Sa kagaya kong walang ibang ginawa kundi ang intindihin ang katulad mo.
Mahal, lumalalim na ang gabi
Hudyat para tapusin ang pag-dadalamhati
Bukas, sunduin mo ako sa bagin
At doon hilingin na sana pinandigan mo nalang mga pangako sa akin.
BINABASA MO ANG
Libro ng Katotohanan
PoesieMay we have an ending with each other or may we have an ending without one another.
