Mahal, para tayong mga kidlat, kulog at ulan.
Kasing bilis ng kidlat ang iyong pagdating.
Kasing lakas ng kulog ang bumulabog sa aking damdamin.
Kasing dami ng ulan ang bumuhos na kaligayahan.
Ngunit walang kasing bilis ang pagsawa mo sa akin. Ikaw ay nabingi sa mala-kulog na opinyon ng mga nakapaligid sa iyo na ako ay may iba. Sa gitna ng ulan, ako ngayon ay nag-iisa.
BINABASA MO ANG
Libro ng Katotohanan
PoetryMay we have an ending with each other or may we have an ending without one another.
