Salamin

27 0 1
                                        

"Pare! Nababakla na ata ako." Salaysay ni Pedrito kay Carlo.

"Oh talaga? Kung ganoon, lumayo ka sa akin. Nakakadiri ka!" pagtataboy ni Carlo sa kaibigan.

"Teka teka, Alam mo kasi kanina, nagpunta akong Mall. Tapos may nakita akong gwapo at grabe, ang astig niya pumorma. Halos nasa kanya na nga mata ng lahat ng makasalubong niya eh." pagtutuloy ni Pedrito sa kwento nito.

"Nakatitig lang ako sa kanya nang bigla niya din akong titigan. Kaya wala na akong nagawa kundi ngumiti nalang. Pero laking gulat ko nang nginitian niya rin ako pabalik. Grabe talaga, yung puso ko parang gustong magtatatalon sa tuwa." dagdag pa nito.

Tahimik naman na nakikinig at itinatago ang pandidiri sa katawan para hindi madismaya at magtampo sa kanya ang kanyang kaibigan.

Wala pa ding tigil sa pagkukwento si Pedrito.

"Lumapit ako sa kanya at ganun din ang ginawa niya. Ang amo ng kanyang mukha na parang takot na dumapo ang mga tigyawat sa mukha niya. Grabe talaga tol, para na talaga akong mahihimatay sa sobrang pagkamangha nang mauntog ako sa salamin." saad ni Pedrito kay Carlo na ngayon ay kulang nalang mamatay na sa katatawa.

"Naku, kapilyuhan mo Pedrito kahit kailan talaga. Napakahangin mo grabe." napapa-iling nalang si Carlo sa trip ni Pedrito.

"Tara na nga, kumain muna tayo. Gutom lang iyan tol." Yaya ni Carlo sa kaibigan.

"Ays ba? Gwapo naman ako hindi ba?" giit pa ulit ni Pedrito. Hindi naman alam ni Carlo ang isasagot basta natatawa nalang siya kapag iniisip ang kwento ng kaibigan nito.

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon