¦ Kaibigan. ¦

29 2 0
                                    

Naiinis ako sa nararamdaman
Baka masira ating pagkakaibigan
Dapat pala noon palang ay akin nang pinigilan
Para hindi na maipit sa utak at puso na naglalaban.

Kapag inamin ko ito sa iyo,
Marahil itatakwil mo ako,
Pero kung patuloy ko itong itatago,
Patuloy din akong kakaininin ng konsensya ko.

Mahirap maipit sa labanan
Ng dalawang naglalakasan
Lalo na kung hindi mo alam kung paano lutasan
At hindi alam kung ito pa ba ay pagdedesisyonan.

Wala akong magagawa kundi ang magbakasakali,
Magbakasakaling hindi ka tatanggi
Sa pag-ibig na alay para sa iyo kaibigan ko.
Nais lang ay humantong sa pag-iibigan ang pagkakaibigang ito.

Salamat at tinanggap mo
Pero nilinaw mong hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko.
At hanggang kaibigan lang ang kaya mo.
Masakit man tanggapin pero sige, basta ba huwag mo akong alisin sa buhay mo. Masaya na ako.

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon