¦ Sandaling Nakalipas ¦

48 3 0
                                        

Tahimik ang paligid,
Payapa ang gabi.
Alaala ng kahapon,
Sa isipa'y sumagi.

Mga sandaling ating pinagsaluhan,
Sa isipa'y bumabalik na naman.

Masasayang nakaraan,kaysarap balikan.

Ang ating kahapong puno ng kasiyahan.

Ngunit bakit bigla na lang nag-iba,
Masasayang sandali'y naging malungkot na.

Ako'y iniwan sa ere at binalewala
At hindi na pinahalagahan ang aking nadarama.

Pangako mo'y nasaan,
Bakit mo ako iniwan?
Dito mo na ba ako pinahahalagahan,
At ako'y labis mong sinasaktan?

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon