'Yung pakiramdam
'Yung pakiramdam na hindi ako makahinga ng maayos sa tuwing nakikita ka
'Yung kinakabahan na ako kapag naririnig ang hakbang ng iyong mga paa
Hindi malaman ang tunay na nadarama
Bakit ba?
Sino ka ba para ubusan ako ng hininga?
Tuwing magka-usap tayo, para akong mahihimatay
Nanghihina ang mga paa ko at ang aking mga kamay
Mahirap titigan 'yang mata mong mapupungay
Pakiusap, 'wag mo akong pinapatay
Kahit nakatalikod ako, nararamdaman ko ang presensiya mo
Pati kapag wala ka sa paningin ko ikaw pa rin ang nasa isip ko
Saulo ko na ang amoy ng pabango mo
Alam kong pagdating sa'yo, talo na ako
Ika'y perpekto sa aking paningin
Lagi kong naiisip na parang hindi ka bagay sa akin
Para kang nasa itaas ng langit at nagmistulang bituwin
Kahit anong gawin ko'y ang hirap mong abutin
Ang dating pagkakaibigan ay unti unting napapalitan
Ibang iba na sa dating nararamdaman
Ito na nga ang aking kinatatakutan
Ang pagkakataong maaari tayong masaktan
Lumipas ang panahon
Nang parehas tayong nagkaroon ng pagkakataon
Pagkakataong puso'y huminahon
Pagkakataong aminin ang ating mga tinutugon
Nang araw na iyon ay hinila mo ang aking braso
Pumunta tayo sa isang lugar kung saan maraming mga bato
At doon, sinabi mo ang isinisigaw ng iyong puso
Dalawa tayong nakatayo nang sinabi mong matagal mo na akong gusto
Natulala ako't tila nasemento sa gitna ng daan
Agad kang tumakbo papunta na dati nating dinaanan
Noong araw na 'yon ay alam kong hindi mo na malalaman
Hindi mo na malalamang ako rin ay may nararamdaman
Pagkatapos ng mangyari ay bigla ka nang nanlamig
Ako'y parang kaaway mo na lagi mong tinatabig
Pilit mo akong ipinupunta sa kabilang panig
Kung saan hinding hindi na ako mapupunta sa iyong mga bisig
Sinusubukan ko ng paulit-paulit
Paulit-ulit na umaasang bubukas ang pinto sa iyong pagpihit
Lagi kong sinasabi sa tuwing ako'y nakapikit
"Sana'y kausapin mo na ako kahit na pilit."
Mas nahihirapan ako habang tumatagal
Pilit na pinapatatag ang puso kong pagal
Para akong pinaglalaruan ng mga batang kaswal
Parang isang manikang paulit-ulit na sinasampal at sinasakal
Dumating ang araw na hindi ko na kinaya
Sobrang sakit na ng nararamdaman sa kabila ng iyong ginagawa
Tama na, ayoko na
Wala ka sa posisyong saktan ako ng sobra sobra
BINABASA MO ANG
Libro ng Katotohanan
PoetryMay we have an ending with each other or may we have an ending without one another.
