¦ Buhay na Marikit siya'y Ipilit Ulit ¦

39 2 0
                                        

Sa mundo kong ito, ako ang pinakamasaya.
Buo ang aking pamilya.
Masaya sina nanay at tatay
Isama mo na si bunso na tunay at walang makakapantay.

Sila ang aking kalakasan
Sa mundo na puno ng kalungkutan.
Lagi silang nariyan para ako ay damayan.
Lalo na sa oras ng kagipitan.

Saya, tuwa, galak.
Hindi ko alam kung anong salita ang gagamitin
Para ipaliwanag ang nadarama.
Basta't ang alam ko lamang ay may pamilya ako na laging maaasahan.

Sana lahat ng kabataan ay may ganyan.
Isang matibay at nagmamahalang pamilya.
Sana ako nalang sila.
Para kahit minsan ay makadama ng pagmamahal ng isang buong pamilya.

Kaso hindi maaari,
Ako ay di-hamak na tao lamang
Walang kakayahang pumili at diktahan
Ang nakatadhana sa loob ng aming tahanan.

Ngunit ano pa man, kailangan kong maging masaya.
Maging matatag para sa aking pamilya.
Pamilyang watak pero minsan nang nagmahalan.
Patuloy na umaasang muling maibalik ang tunay na saya sa loob ng aming tahanan.

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon