¦ Bakit ikaw pa? ¦

22 1 2
                                        

Hindi ka naman kagandahan
Hindi ka naman ka sexy'han
Hindi ka din saksakan sa kadaldalan
Bakit ikaw pa ang natipuhan?

Hindi ka naman mayaman
Wala ka namang hilig sa matatamis na linyahan
Ni hindi ka nga tumatanggap ng bulalak na naggagandahan.
Bakit ikaw pa ang nagustuhan?

Siguro nga ganito kakulit si kupido
At ikaw ang napili niya para sa tulad ko.
Sabagay nagpapasalamat ako
Dahil ipinagkaloob niya ang kagaya mo.

"Bakit ikaw pa?"
Kasi natatangi ka.
Dahil ganiyan ka, walang katulad at nag-iisa.
Kaya nga mahal kita dahil si ikaw, ay ikaw.

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon