¦ Di Hamak ¦

87 5 2
                                    

"DI-HAMAK"

Paano mo nga naman magugustuhan ang di-hamak na katulad kong tahimik na gumagawa ng tula kung ang hanap mo ay ang magaling maggitara?

Paano mo nga naman mapapansin ang di-hamak na tulad kong mahilig magbasa kung ang hanap mo ay ang magaling sa mga laro ng bola?

Paano mo nga naman mamahalin ang di-hamak na tulad kong walang ibang kasama kundi ang mga libro, papel at tinta kung ang gusto mo ay ang mayaman na, gwapo pa?

Pwes, unawain mo ang aking daing nang diwa mo ay matauhan at matutong piliin ang di-hamak na katulad kong walang ibang ginawa kundi umasang balang-araw ay mapansin at mamahalin mo rin.

Una: Wala silang ma-igigitarang kanta kung wala ang mga katulad kong batikan sa pagtutugma.

Pangalawa: Sa tingin mo, mapapanindigan nila ang mga salita kung ang magbasa ay hindi nila magawa? Baka nga bolahin ka lang nila.

At paghuli: Talong talo ako sa mga ganitong usapin. Pero subukan mo akong lapitan at akin kitang bibigyan ng mga tugmang walang katapat na halaga sa sobrang halaga.

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon