¦ Huli na para sa bagong simula ¦

28 1 0
                                        

Ilang taon na nga ulit mula nang tao ay pinagtagpo ng tadhana?
Mahal ko, apat taon na.
Pero bakit hanggang ngayon ay nagkakahiyaan at nag-iilangan pa rin sa isa't-isa?

Dahil ba ito sa hindi maipaliwanag na hiya
O dahil sa hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa?
Dahil ba ito sa natatakot na makutya,
O dahil sa umaaligid na walang hiya?

Aba, napakatinding katorpehan
Wala tayong magagawa, ito ang katotohanan.
Sa limang taon na tayo ay magkasama sa iisang skwelahan.
Nais kang puntahan ngunit natatakot na baka ako'y iyong talikuran.

Pinapahalagahan naman natin ang isa't-isa
Gusto naman natin ang isa't-isa
Mahal naman natin ang isa't-isa
Pero mas nananaig ang HIYA sa puso ng bawat isa.

Ngayong tapos na tayo sa sekondarya,
Landas natin ay magtatapos na din kaya?
Aalis ako at iiwan ka.
Paano na kaya?

Huli na.
Huli na para ipakita ko ang gusto ipadama.
Huli na para ipagsigawang mahal kita.
Huli na para sa bagong simula.

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon