|| Para sa mga kabataang iniwan ng kanilang mga ina, lagi niyo sanang iisipin na ang lahat ng bagay ay may dahilan. Hindi lang natin ito alam dahil tamad tayong alamin kung ano man ito. Ang akdang ito ay para sa mga kabataan lalo na sa mga nakakaranas ng kahirapan, hindi lang sa loob ng paaralan kundi pati na din sa sarili nilang tahanan. Ang kanilang pamilya. Sana ay intindihin at hindi kayo mainip. ||
" Ilang taon na ulit ang lumipas magmula ng siya ay umalis? "
" Ilang taon na ang nakalipas simula ng mawala ang ilaw sa aming tahanan? "
" Ilan? "
Ilan. Mga tanong na kay hirap sagutin. Hindi sa dahil hindi mo alam ang sagot ngunit, dahil sa katotohanang kayo ay nag-iisa na lamang sa buhay.
Galit at poot ang nangunguna sa nararamdaman. Nakakainis hindi ba? Pero ganoon pa man, kailangan mo pa ding lumaban para sa sarili mo. Kailangan mo pa ding magpatuloy para sa mga kapatid mo. Kailangan mo pa ding magsumikap bilang paghahanda sa iyong kinabukasan.
Sino ba ang dapat sisihin? Ako ba? Siya? O ang mga taong nang-iwan, isa na dito ang mga magulang mo.
BINABASA MO ANG
Libro ng Katotohanan
PoesíaMay we have an ending with each other or may we have an ending without one another.
