Mahal Kong Kiko

72 3 2
                                    


"Mahal kita." Marahang banggit niya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya pang pinisil iyon. Ang isa niyang kamay ay hinawi ang buhok ko't pinunasan ang tumulong luha sa pisngi ko.

"Hindi ito tama, Kiko. Itigil na natin 'to."

Patuloy niya akong pinaulanan ng mga matatamis na salita't halik. Sumasaya man ako ngayong kapiling ko siya'y  sobrang nasasaktan naman ako sa tuwing naaalala ko ang katotohanan.

Mahal ko siya. Mahal ko siya, alam ko iyon. Kung puwede lang talaga ay matagal ko na siyang tinaggap.

"Anoman o sinoman ang pumigil sa pagmamahalan nating dalawa, lagi kitang susundan. Saan man tayo padpad, basta't kasama kita, kakayanin nating lagpasan lahat ng mga pagsubok sa ating buhay."

At doon, ako'y kanyang hinalikan. Ang pinakasasabik naming halik sa tagal ng panahon.

Unti unti akong nakarinig ng mga hiyawan sa paligid. Sabay kaming naghabol ng hininga nang maghiwalay na ang mga labi namin.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Pero ang mata niya'y halo halo ang ibig ipahiwatig.

Hinarap namin ang mga tao't nagpaalam na sa kanila. Umalingawngaw ang kanilang mga sigawan sa buong paligid habang papasara na ang pulang kurtina.

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon