¦ Totoo? totoo. ¦

53 3 0
                                    

Ito ba ay totoo?
Ni walang halong biro?
Lahat ba ay seryoso?
O sadyang nananaginip lang ako?

Sa kauna-unahang pagkakataon,
Ako ay iyong pinansin
At naisipang ako ay iyong
Tanungin.

"Kuya, ikaw ba'y may kasintahan na?"

Hindi kaagad nakasagot
Dahil hindi batid ang sagot
Pwede bang huwag nalang sumagot?

Ako ay natatakot,
Hindi nais ang malagot.
At ayokong magmukmok sa kwarto at magtalukbong ng kumot na kusot kusot.

Pasensya na,
Hindi ka nais saktan.
Ayoko lamang na may makaalam
Na ako ay wala pang kasintahan.

Oo
Ayoko ng atensyon
Na minsan ko nang hinanap
Ngunit napagtantong hindi naman kailangan.

Wala akong kasintahan,
Maliwanag?

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon