Elementarya hanggang sekondarya
Ikaw ang inasam na makasama
Ang nais gawing prinsesa
At kung papalarin, ang gawing reyna.Ngunit kalaban natin ay tadhana,
Yung tipong kinailangan nating humiwalay sa isa't-isa
Bumitaw ka at sa iba sumama
Pero heto pa rin ako, hindi nawawalan ng pag-asa.Kahit sa iba ka umibig,
Puso at isip ko ay ikaw ang siyang bukang-bibig
Kung pwede lang sana kitang buhusan ng malamig na tubig
Para makita mo ang alay kong pag-ibig.Magpapakatanga kahit nakakabanas
Bakit hindi pinagbigyan ang pag-ibig na wagas
Ang mundo nga naman ay sadyang hindi patas
Pero mahal ko, ikaw at ikaw lang hanggang buhok ay maglagas.
BINABASA MO ANG
Libro ng Katotohanan
PoesiaMay we have an ending with each other or may we have an ending without one another.