"Kwaderno"
Sa tuwing dumadating ang tagpong wala na akong maka-usap, ito ang kasama ko. Sa tuwing hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin, ang kwadernong ito ang laging inaasahan. Sa tuwing umuulan at malamig ang gabi, ito ang lagi kong kayakap. Sa tuwing nababagot ako at nayayamot, ang kwadernong ito ang nagpapakita sa akin ng kasiyahan.
Ang kwadernong ito ang nagparamdam sa aking hindi ako nag-iisa. Ito ang nagsasabing sa aking pag-lalakbay ay may masasandalan at matatakbuhan. Sa mundong kay gulo, sa kwadernong ito ako nakatagpo ng kapayapaan.
Pero sadyang mapagbiro ang buhay. Ang kwadernong aking minahal at itinuring na kaibigan, kailangan nang mamaalam. Mabigat ang loob ko na ngayon, hindi ko na muli pa siyang makakasama. Dahil ubos na ang kanyang mga pahina. Ngunit ganoon pa man, hindi dito nagtatapos ang aking paglalakbay. Siguro oras na nga para muling basahin at isabuhay ang mga aral ng aking nakaraan. Siguro panahon na para ang kwadernong minsan ay naging kaibigan ko ay siya nang maging hagdanan.
Hagdanan patungo sa mas mabuting ako. Hagdanan patungo sa mas matatag na ako at hagdanan patungo sa aking mas maunlad kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Libro ng Katotohanan
PoetryMay we have an ending with each other or may we have an ending without one another.
