Nang makita kita
Mundo ko'y tumigil bigla
Mga ibo'y nagsisi-awitan na
At kalamnan ko'y gumalaw bigla.
Hindi ko lubos maunawaan
Ako'y nabihag sa iyong kagandahan
Kay hirap ng aking nararamdaman
Ako yata'y magmamahal na naman.
Tanong ko sa sarili,
Ako ba'y handang umibig muli?
Ngunit ako'y hindi mapakali
Dahil nakaraan ko'y nananatili.
Puso at isip ko ay magkatunggali
Nais ko nang pumili
Kung sa nakaraang nananatili
O sa kasalukuyang nagbibigay sa akin ng ngiti.
Ngayong naririto ka aking sinta,
Kasagutan sa tanong ay alam na.
Sa kasalukuyan ako ay pupusta
basta't ikaw ay aking makasama.
Handa akong kalimutan
Pangit na nakaraan
Kung aking hinaharap ay sa iyo nakalaan
Sasamahan ka bawat oras na dumaan.
Sa buhay, ikaw lamang
Magiging tapat na nilalang
Hindi ka ipagpapalit kaninoman
Pangako, mamatay man.
Kaya sana, maibigan mo.
Tulang nakalaan sa iyo.
Mula sa simpleng umiibig sa iyo,
Mula sa isang katulad ko.
BINABASA MO ANG
Libro ng Katotohanan
PoezjaMay we have an ending with each other or may we have an ending without one another.
