¦ Paglisan ¦

31 2 4
                                        

Masyado na akong nababahala
Sa relasyong hindi na gumagana
Bakit hindi na natin kayang sumaya,
Bakit hindi na tayo ganoon sa isa't-isa?

Dala lang siguro ng mga gawain sa skwela
At mga gawain sa tahanan ng pamilya
Pero bakit parang iba na ang iyong asta,
Inaaway nalang ako basta basta?

Isang araw humiling ka na tayo ay magkita
Kahit tambak ang ginagawa ako ay naghanda
Nagdamit ng maporma
Dahil ang mahal ko ang makakasama.

Nang tayo ay nagkatagpo na,
Mukha mo ay hindi maipinta,
Itinanong kung ano ang problema
Pero hindi ka sumagot at hinila nalang ako bigla.

Ang init ng iyong haplos sa aking mga kamay
Nais ko atang mawalan ng malay
Matagal tagal ko din itong hinintay
Ang muling makahawak ka ng kamay.

Nang makarating tayo sa hindi matao na lugar
Ako ay kinakabahan dahil sa iyong ibubulgar
Hinawakan mo ang dalawa kong kamay sabay tapon ng mga katagang....

"Mahal patawad, kami na ni Edgar ".

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon