Araw araw hinihiling na ikaw ay mahagkan
At itanong sa iyo ng personalan
Kung kumain ka na ba ng agahan, tanghalian at hapunan.
Kaso hindi magawa dahil tanging telepono lang ang hinahawakan.Ang magtanong ay hindi ko maiwasan
At ang magduda kung sino ang taong nasa likuran
Ng taong aking hinahangaan
Mahirap mang gawin pero nagtitiwala pa din.Paano mo nasabing totoo na ang iyong nararamdaman
Kung kapwa tayo nasa mundo ng kasinungalingan
Iyo kayang mapapanindigan
Mga salitang hanggang sa dulo ng walang hanggan?Kung totoo na nga itong nararamdaman
At distansya lang ang usapan
Bakit hindi natin subukan nang magka-alaman
Kung hanggang saan natin kayang lumaban.
BINABASA MO ANG
Libro ng Katotohanan
PuisiMay we have an ending with each other or may we have an ending without one another.