¦ Wala ako ng mayroon sa inyo ¦

15 1 1
                                        

Sa bawat "Pagkatapos ng skwela, uwi agad."
Sa tuwing "Maghugas ka muna."
Sa halos araw araw na "Gising na, tanghali na."
Nakakainis hindi ba?

Sa palaging "BAWAL."
Sa paulit-ulit na "Huwag."
Sa nakakatakot na "Yari ka sa akin."
Nakakaasar na.

Yung itinatanong sa sarili kung mahal ka ba talaga nila.
Yung tipong paulit-ulit mo silang iniintindi dahil para sa iyo, sila ang nakakaalam ng ikabubuti mo. 
Yung hindi mo maipagtanggol ang sarili dahil kapag sumagot ka, ikaw ang masama.
Nakakabanas hindi ba?

Nakakasakal.
Malaki ka na pero wala kang kalayaan.
Nasa tamang edad ka na pero ang tingin sa iyo ay bata.
Oo alam ko, sawa ka na sa paraan ng kanilang pagtrato sa iyo.

Pero sa lahat ng kinaiinisan ng karamihan ang siyang pinakaaasam ko.
Sa lahat ng kina-aasaran ng lahat ay ang aking hinahanap hanap ko..
Sa lahat ng kinababanasan ninyo ay siyang wala ako.

Iyan po ang tunay na NAKAKASAWA. Ang wala ako kung anong meron sa inyo.

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon