Sa isang mahirap at mabahong nayon kung saan pangangalakal lamang ang ikinabubuhay ng mga mamamayan doon ay isinilang ang isang malusog na sanggol. Sa paglipas ng panahon ay nagkaka-isip ito at patuloy na itinatanong sa sarili ang mga bagay bagay na nangyayari sa kanyang kapaligiran.
Isang araw, nagtungo siya sa simbahan nang walang pag-aalinlangan upang mangumpisal at upang bigyang kasagutan ang lahat ng kanyang mga katanungan.
"Bakit po ba ganito ang buhay??" tanong niya sa pari.
"Nakatutuwang pakinggan na mula sa isang katulad mong musmos nanggaling ang mga salitang iyan. Ngunit akin kitang tatanungin, ano nga ba sa iyong palagay ang rason?" pag-uusisa ng pari.
Sumagot ang bata na puno ng kasiguduhan ang tono nito. "Dahil ito ang kalooban ng diyos at ito ang idinidikta ng panahon." Palihim na napangisi ang pari.
"Hayaan mo akong ibahagi ko sa iyo ang kwento na palaging ikinukwento sa akin ng aking yumaong ama. Sa isang malawak na lupain, may dalawang estado ng buhay doon. Pula ang tawag sa mga taong may mabababang uri at Pilak naman ang mga nasa itaas. Isang araw, nagkaroon ng pagtitipon at ipinatawag ng hari ang tumatayong pinuno ng mga pula at ipinamukha sa harapan ng maraming tao kung gaano kaliit ang kontribusyong naibabahagi ng mga Pula para sa kanilang lugar." taimtim na nakikinig ang bata sa kuwento sa kanya ng pari.
"Sumagot ang pinuno ng mga pula 'Ngunit ano ang aming magagawa, ito lang ang aming nakayanan. Marami sa amin ang nawawalan ng mahal sa buhay dahil sa mga hirap na ipinaparanas ng iyong mga kawal sa aming mga kasapi.' Dahil sa galit ng hari sa pinuno, ginilitan niya ng ulo ang pinuno sa harapan ng madla. Ang lahat ay nabigla sa nangyari at agad na nalaman ito ng mga Pula. Nagalit ang mga ito ngunit mas piniling tumahimik nalang at magpakalayo-layo. Huli na nang malaman ito ng hari. Unti-unting bumagsak ang kanilang bayan pati na ang mga nasa mataas na katungkulan dahil sa katamaran samantalang patuloy naman na lumalaban at namumuhay ng payapa ang mga pula dahil sa taglay nilang kasipagan."
"Kaya ngayon, ano ang mas gusto mo? Maging Pula o maging isang Pilak?" tanong ng pari sa bata. Nag-isip naman ng mabuti ang bata bago ito sumagot.
"Sa kuwento po, isa na akong pula. Pula na kailangan pang mas pairalin ang kasipagan para malagpasan at maiahon ang aming estado sa buhay." sagot ng bata at nagpa-alam na.
BINABASA MO ANG
Libro ng Katotohanan
PoesíaMay we have an ending with each other or may we have an ending without one another.
