¦ Pagsapit ng gabi ¦

23 3 0
                                        

Buong araw akong naglakbay
Buong araw kong binaybay
Ang daan patungo sa iyong buhay
Tiniis ang lahat kahit maingay.

Isinakripisyo ang lahat sapagkat batid
Na sa dulo, ikaw ay naroon at naghihintay.
Naroon ka at sabik na mahagkan
Ang iyong minamahal - ako.

Matirik ang araw noong ako ay madapa
Ngunit pinilit ang tumayo
Dahil sa isipa'y mahal ko,
Ito ay para sa iyo.

Mula sa silangan ay lumubog ang araw sa kanluran
Tanda na ang gabi ay paparating na.
Ito na!
Ito na ang pinakahihintayo ko.

Muli na naman kitang makikita, mayayakap at mahahalikan.
Muli kong masisilayan ang matatamis mong ngiti.

Ngunit malayo pa ay nataw ko na.
Na may nauna na pala
Lahat ng sakit, hirap at pagod ay namanhid sa natunghayan.

Napakawalang hiya mo.
Wala kang awa.
Tangina.

Minahal kita pero sa iba mo ibinaling ang dapat ay para sa akin. Masakit pero makikita mo. Balang araw, malalaman mo ang halaga ko.

Libro ng KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon