CHAPTER 4

8.9K 202 5
                                    

Flashback

Marie Lyssa Point of View

Five Years Ago

"Marie, tara punta tayong gym." Pag-aya sa akin ng isa kong kablock mate.

Mabilis akong umiling at iniangat ang sinusulatan kong papel.

"I'm doing my thesis. Pasensya na kayo Anna, hindi ako makakasama sa inyo ngayon. Kailangan ko na kasing tapusin to." Nakita ko ang pagkadismaya sa mga mukha nila ng tinanggihan ko ang paanyaya nila.

"Sayang naman Marie. Sige, sa susunod nalang ha? Napakasipag mo talaga mag-aral." Ani ni Anna na napapabuntong hinga. Nginitian ko nalang sila at pinagpatuloy ang pagsusulat. Nagpaalam na sila na tinanguan ko lang.

Tinuon ko na ang pansin sa pagsusulat sa thesis. Marami akong napapansin na mga kababaihan na dumadaan sa pwesto. Minsan nadi-distract ako sa lakas ng mga boses nila.

Hanggang sa pumanting ang tenga ko ng marinig ang pinag-uusapan ng isang grupo ng mga kababaihan.

"Dalian niyo mga sis. Nagsisimula na ang laro ngayon. Architecture at Engineering pa naman ang magkalaban. Kyaahh. Makikita na naman natin si Verro." Tili ng isa at nagmamadali silang umalis.

Nagpanting ang tenga ko dahil doon. Did they just say Verro's name?

Nabaling ang tingin ko sa ginagawa kong thesis paper. Nagdadalawang isip kung ano ang gagawin.

Seconds later I made a decision.

"Bahala na. Matatapos ko rin naman to mamaya." Ani ko sa sarili and pack my things.

Hindi ako pwedeng hindi makapanood sa laro ni Verro. Kailangan nandoon ako.

After I settle my things I hurriedly went to the gym. I can hear girls cheering and shrieking.

May naririnig rin akong nagcha-chant ng pangalan ni Verro.

And so I hurriedly went inside the gym. Sumalubong sa akin ang maraming tao. Mostly mga babae at mga binabae.

Sinuyod ko ng buong tingin ang gym. Hinahanap ko kung nasaan sila Anna. Nang makita ko ang pwesto nila ay lumapit ako doon.

Nagulat sila ng makita ako at umupo sa tabi nila.

"Akala ko hindi ka makakapunta Marie? Bakit nagbago ang isip mo?" Tanong ni Anna sa akin. Should I tell her the truth why I'm here? Or should I lie?

But then I chose the latter.

"Wala na kasi akong maisip na idadagdag. Medyo sumasakit na rin ang ulo ko. Ayoko namang umuwi ng bahay. Nakakabagot naman kasi doon." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

"Ganun ba? Well, atleast you're here now." Masayang ani nito at ibinalik ang tingin sa court.

I heaved a sigh because of that.

Napatakip ako sa aking tenga ng tumili sila Anna dahil nakashoot ang Engineering department kung saan natoon ang crush niyang si Kharl Jimenez.

Napapairap nalang ako sa kaartehan nila. Mas magaling pa rin ang Verro ko. Hmp!

Kaniya-kaniyang tilian ang naganap. Habang ako ay pigil ang pagtili ng si Verro na ang may hawak ng bola at dini-dribble iyon.

Naglalakad lang siya habang dini-dribble ang bola ng may lumapit sa kaniya para agawin ang bola.

Kalmado lang si Verro habang dini-dribble ang bola. Nang magpumilit ng agawin ng kabilang team ang bola ay itinapon ni Verro ang bola papunta sa ring.

Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon