CHAPTER 7

6.5K 152 3
                                    

The next day ang laki ng eyebags ko. Hindi ako makatulog. Hindi pa rin kasi ako nakakapag move-on doon sa pagsend ni Verro ng friend request sa akin. Nakaka overwhelmed na ewan. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko.

"Anong drama mo Marie? Bakit ang laki ng bagahe mo sa mga mata?" Mataray na tanong sa akin ni Anna. Hindi kasi kami natuloy kahapon sa lakad namin dahil hindi ko na magawang umalis at maglog-out sa facebook.

Sinabihan ko kasi sila na masama ang pakiramdam ko pero ang totoo galak na galak ako kahapon.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpunta na sa upuan ko para ilagay ang aking bag.

Nakasunod pala sakin sila Anna at iniintriga na naman ako.

"What?" I asked them. Naalibadbaran ako sa kanila. Napaka-chismosa talaga ng mga ito.

"Puyat ka girl. Anong nangyari kagabi?" Si Jack na tinaasan pa ako ng kilay. Minsan talaga mas mataray pa si Jack kesa kay Anna at Cryzelle.

"Hindi nga kasi maganda ang pakiramdam ko kahapon. Nagtext ako sa inyo diba?" Palusot ko nalang. Ayaw kong sabihin sa kanila ang totoo. Aasarin na naman kasi nila ako ng aasarin. Wala akong laban sa kanila. Palagi akong talo.

"Ay oo nga pala. Maayos na ba pakiramdam mo Marie?" Tumango lang ako bilang sagot sa tanong nila.

I really feel bad lying to my friends. Pero what can I do? Alam ko naman na tatadtarin lang nila ako ng asar eh. Ayaw kong mapahiya sa harapan nila.

"Papasok ba si Verro mo ngayon sa klase ni Sir Durano?" Random na tanong ni Jack.

Kinurot ko siya sa braso dahil sa tanong niya.

"Tumahimik ka nga Jack! Baka may makarinig sayo dyan eh. At isa pa, malay ko ba! Bakit ako tinatanong mo?!" Ipit ang boses ko ng sitahin at sagutin ko si Jack. Kasi naman eh.

Careful ako kapag si Verro na ang pinag-uusapan. Marami akong makakalaban kapag nalaman nila na ang isang katulad ko ay may gusto kay Verro.

"Ano naman kung may makarinig? Dapat malaman nila na may nag mamay-ari na kay Vemmmm." Hindi na niya natuloy ang sinabi niya dahil tinakpan ko na ang bibig niya.

"Kasi naman eh!" Maktol ko sa harapan nila. Tinanggal ni Jack ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.

"Oo na! Hindi na." Si Jack at hindi na nga itinuloy ang pangangasar niya sakin. Alam naman kasi nila kung gaano ako katakot na malaman ng marami na may gusto ako kay Verro.

Bumalik na silang dalawa sa kaniya-kaniya nilang upuan at hinayaan na nga ako.

Napapabuntong hininga na lang ako. Nagi-guilty ako sa ginagawa kong pagsisinungaling sa kanila. Kapag nalaman nila na nagsinungaling ako. Gigisahin na naman ako ng mga iyon.

Nagsimula na ang klase ni Sir Durano. I am kind of disappointed during his class. Akala ko kasi magsi-sit in na naman si Verro sa klase ngunit wala. Nanghinayang tuloy ako. Kailan ko kaya siya makikita muli? Graduating pa naman siya. Hindi ko na siya gaanong makikita dito sa school. Ako naman next year pa ga-graduate. Hay buhay. Sana mabigyan ako ulit ng chance na makasama si Verro.

   Natapos ang klase na wala akong naintindihan kahit kunti. Nagliliwaliw ang isip ko kanina habang nagdi-discuss si Sir.

Pinulot ko ang bag ko at lumapit kela Anna.

"Punta tayo canteen? My treat." Aya ko sa kanila. Mabilis na gumalaw ang dalawa at hinila ako palabas ng silid namin.

Kaoag talaga libre ang bilis bilis ng dalawang ito. Akala mo mga walang pera e meron naman.

Habang papunta kami sa canteen ay pinagitnaan ako ni Anna at Jack. Hindi ko alam kung nasaan si Cryzelle ngayon.

Namimiss ko na ang babaeng iyon.

Habang kami ay naglalakad sa hallway. Tinginan ang ibang estudyante sa amin. Napaka-big deal talaga sa kanila ng mga ganitong pangyayari.

Napapairap nalang ako ng palihim. Kung may lakas lang talaga ako ng loob hindi na ako mahihiya na makasama sina Anna. Sila lang talaga itong mapilit na palaging sumasama sakin.

May nakita akong nagbubulungan sa di kalayuan habang pasimpleng tumitingin sa aming tatlo. Napairap nalang akong muli. Ano pa ba ang aasahan ko?

Nang nasa may canteen na kami ay sobrang dami ng tao. Ngunit hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko si Verro na may kausao na babae. Mukhang naglalandian ang dalawa.

Napasimangot nalang ako at iniwas ang tingin sa kanilang dalawa. Nawalan bigla ako ng gana.

"Ano ang gusto mong kainin Marie?" Tanong sa akin ni Anna.

Nagkibit balikat ako. "Kahit ano nalang." Walang kainterest kong sagot dahilan para kumunot ang noo niya.

Nagtataka niya akong tiningnan. Tapos ay nabaling ang tingin niya kina Verro.

Parang baliw na tumango-tango siya at nakangising humarap muli sa akin.

"Kaya naman pala." Tumahimik nalang ako at agad na umupo sa bakanteng upuan na nakita ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nilang dalawa at sabay na umorder.
Aasarin na naman ako ng dalawa mamaya.

Nakabusangot akong sumulyap muli sa kinaroroonan nila Verro. Gayon nalang ang paglundag ng puso ko ng magtama ang mga mata naming dalawa at ngumiti siya sa akin.

Hindi ko nagawang ngumiti pabalik dahil sa hiya at agad na napaiwas ng tingin.

Ramdam ko pa rin ang paglundag ng puso ko. Tingin ko din ay namumula ang pisngi ko dahil sa nangyari. Nakakahiya~

Kinuha ko nalang ang phone ko sa bag pati ang earphones ko at nagpatugtog. Pinipilit ko ang sarili na huwag mapalingong muli. Dahil pag baka ginawa ko iyon ay mahalata at malaman na niyang may gusto ako sa kaniya.

Kaya inaliw ko nalang ang sarili ko at nagpanggap na wala si Verro sa paligid. Pero hindi naman gumagana. Hindi mawala sa isip ko na nasa malapit lang si Verro.

Omg! Maniniwala na talaga ako sa sinsabi nilang obssess na obssess na ako kay Verro and this is bad. So bad.

Pero hindi ko magawang pigilang ang sarili ko. Palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kaniya kahit na hindi kami nagkakausap o nagkakasamang dalawa.

Hindi ko alam na posible pala ang ganito. Na kaya mong magmahal ng lubusan para sa isang tao na hindi mo naman nakakasama o nakakausap. Pwede pala.

But I keep asking myself.

Will he love me like the way I love him?

--
Hi 🤗

Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon