CHAPTER 5

7.4K 194 4
                                    

A/N: flashback pa rin ito. Malalaman niyo kung present time kapag may title na ang chapter. Anyway, happy reading 😊
--

Matamlay akong pumasok kinabukasan. Wala akong ganang pumasok. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa nabasa ko kagabi.

Pagkapasok ko sa silid aralan namin ay dumiretso lang ako sa aking upuan at yumuko roon. Nakapatong ang ulo ko sa aking mga braso.

Inaantok pa kasi ako. Wala akong maayos na tulog kagabi. Iniisip ko iyong post ni Verro. Sino kaya iyong maswerte na babaeng iyon?

Mabuti pa siya napansin ni Verro. Wahh. Bakit ba kasi may nagugustuhan na siyang ibang babae?

I raised my head when someone tapped my shoulder. And my heart beats abnormally as I saw who was it.

"M-May kailangan ka ba?" I stammered as I asked him.

"Itatanong ko lang sana kung may nakaupo sa tabi mo." Ngiting sagot niya. Feeling ko mahihimatay ako ano mang oras. Bakit ba kasi ang gwapo niya?

"A-ah. W-Wala. Wala naman. Uhm." Umubo ako saglit at kinuha ang bag ko.

"Maupo kana dyan." Nahihiya kong saad sa kaniya. Ngumiti lang siyang muli at umupo sa katabi kong upuan.

Pakiramdam ko tuloy namumula ang pisngi ko sa sobrang hiya at kilig. Sino ba namang hindi diba? Kung makakatabi mo ang long time crush mo. Talagang kikiligin ka. Kyaahh.

"By the way, what's your name?" Napipilan na naman ako ng magtanong siya.

Is he really asking for my name?

"Marie Lyssa." Tanging sagot ko at umiwas ng tingin. Pinipigilan ang sarili na mapatili.

"What a nice name you have. I'm Verro" tapos ay nilahad niya ang kamay sa akin. Nag-aalangan pa ako kung makikipagkamay ba ako o hindi.

But I should grab this oppurtunity right?

Tinanggap ko ang pakikipagkamay sa kaniya. Malakas ang tambol ng puso ko ng maglapat ang mga kamay naming dalawa.

I can really feel my heart beating frantically.

Sandali lang na naglapat ang mga kamay naming dalawa. Pero sobrang saya ko na. Atleast nagawa kong hawakan ang kamay niya.

After the hand shake. I wasn't able to talk to him again because a few of my block mates went inside the room. Baka kung ano pa ang isipin nila kapag nakita nilang nakikipag-usap ako kay Verro. Ginagawa pa naman nilang big deal ang tungkol sa mga ganong bagay.

I tried my best not to look on my side where Verro is sitting and stare at him. I've been holding back myself not to talk and approach him.

Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko. Lalo na at nakita kong pumasok si Jack at Anna sa loob ng room.

Gulat na gulat sila ng makita kung sino ang katabi ko. Nagkibit balikat lang ako at binigyan sila ng tipid na ngiti. Kahit na ba gusto kong tumili ay pinigilan ko ang sarili. Ayokong mapahiya sa harap ng mga kablock mates namin.

Naupo na sila Anna at Jack sa kaniya-kanya nilang upuan. Ngunit panay pa rin ang lingon nila sa gawi namin. Nakita ko si Anna na may tinatype sa kaniyang cellphone. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko.

Tiningnan kong muli si Anna at tinaasan niya ako ng kilay at sinenyasan na tingnan ang cellphone ko.

Ginawa ko naman ang pinapagawa niya.

From: Anna,

Anong ginagawa niyan dito?

Tiningnan kong muli si Anna at nagkibit balikat bago siya nireplayan.

Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon