CHAPTER 9

5.8K 133 3
                                    

The dinner went well but I was silent the whole time. Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila. Hindi ko kasi magawang magsalita.

Know why? Dahil kaharap ko lang naman si Verro habang kumakain kami. Hindi ko ini-expect na siya pala ang isa sa mga anak ng best friend ni daddy.

When he came in earlier. Feeling ko mabubuwal ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumili na ewan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. It felt surreal. Gusto ko na ngang mapatampal sa mukha ko para malaman kung totoo ba ang nangyayari.

Nagulat man ako nung una ay hindi ko maikakailang masaya ako at nandito siya. Kaharap ko.

My heart were beating frantically upon seeing him that close.

I don't know what to react kaya mas pinili ko nalang ang manahimik.

At ngayon nga na tapos na kaming kumain ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

Should I approach him? Should I talk to him?

Arghh! Hindi ko na alam ang gagawin.

Nabalik lang ako sa ulirat ko ng tawagin ako ni mama.

"Yes mommy?" Utal kong tugon.

"Could you play something for us, dear? I just told your tita Violet that you play well in piano." Nakangiting saad ni mom.

Nahigit ko ang hininga ko at nahihiyang tumingin kay tita.

"Uhmm. Sige po." Nauutal kong pag sang-ayon. Kinakabahan kasi ako eh lalo na at nandyan lang si Verro sa malapit.

Naglakad ako patungo sa grand piano namin at umupo tapos ay nagsimula ng tumugtog.

Tinugtog ko ang paborito kong kanta na mula sa paborito kong anime.

This song became my favorite eversince I watched that anime. The song helps me relax my body and it also ease my mind from thinking too much.

Hindi ko napapansin ang mga bagay sa paligid ko kapag pinapatugtog ko ang kantang ito. It feels like I'm in my own world that is so peaceful and refreshing.

Kaya ng makarinig ako ng mga palakpak ay nabalik agad ako sa reyalidad.

I was blinking my eyes when I realize that I was stuck again in my own world.

Nahihiya akong ngumiti sa kanila at nagmadaling lumapit kay mommy.

Narinig ko ang paghagikhik ni mommy na sinundan ng tawa ng iba. Mas lalo akong nahiya dahil doon.

"She was always like this. Too caught up with her music that she forgot the real world." Natatawang saad ni mommy. Pakiramdam ko namumula na ng husto ang mga pisngi ko dahil sa hiya.

"That was so great hija. You definitely know how to play piano." Nakangiting saad ni tita sa akin.

Nahihiya akong ngumiti sa kaniya pabalik.

"Thanks tita." Pagpapasalamat ko. Aksidenteng napatingin ako kay Verro at bigla nalang akong napaiwas ng makitang nakatingin din pala siya sa akin. Or shall I say nakatitig.

Nagpaalam nalang ako kay mommy na aakyat na ako sa kwarto ko na sinang-ayunan naman nilang lahat.

Nagmamadali akong umakyat sa aking kwarto kahit na ba pakiramdam ko ay may isang pares ng mata ang nakasunod sa akin. Ngunit hindi ko na nilingon kung sino iyon at nagtuloy-tuloy na sa pag-akyat sa taas.

As soon as I get inside my room. I automatically jumped on my bed, grab my pillow and I shrieked.

Tumili lang ako ng tumili sa unan ko na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung gaanong kilig ang nararamdaman ko ngayon. Sobra-sobrang kilig na ang kaya ko lang gawin ay tumilu at kurutin ang aking sarili.

I'm not dreaming! It was actually real! Nandito si Verro sa bahay namin and we are actually dining together! Kyaahh! I felt so alive and happy. Hindi ko talaga ini-expect itong nangyayari ngayon.

I still have a hard time believing that it was just all a dream. But its not! Its all real! And all I can do was to express my happiness by shrieking on my pillow.

This is so surreal!

--

Dalawang araw na ang lumipas ng sa bahay namin nagdinner sina Verro. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari iyon.

Buong akala ko pa nga ay nananaginip lang ako magdamag. Ngunit hindi pala. Totoo pala talaga lahat ng iyon. Kung hindi pa siguro ako kinausap ni mommy hindi pa talaga ako maniniwala.

And now I can't wipe off the smile on my face as I am going to my class this morning.

I can't contain my happiness right now. Nobody knows how happy and grateful I am.

Nakangiti pa rin ako habang umuupo ako sa aking upuan. Kung pwede nga lang tumili ng tumili ay kanina ko pa ginawa eh. Mabuti nalang at magaling akong magpigil ng sarili.

Palinga-linga ako sa paligid. Nagbabakasakali na nandyan na sila Jack at Anna para makwento ko sa kanila ang nangyari. Tiyak na magagalak din ang mga iyon sa ikukwento ko. Knowing them ang chi-chismosa pa naman ng mga iyon.

Kinuha ko nalang muna ang libro ko at nagbasa. Mamaya ko nalang ikukwento sa kanila ang lahat. Baka abala din na naman ang mga iyon. May paparating na naman kasing school activity at siguradong incharge na naman ang dalawang iyon sa mga dapat gagawin.

Masyadong dedicated ang dalawang iyon pag dating sa ganoong bagay. And I don't want to hold them back.

May ibang oras naman kasi para sabihin ko sa kanila ang nangyaring dinner sa bahay namin.

Kaya tinuon ko nalang ang atensyon ko sa aking binabasa na may ngiti sa mga labi.

It's already lunch break and I still did not see Jack and Anna. Are they really busy?

I let out a deep breath and lined up. Looks like I'll be eating alone with myself. Hindi ko rin nakikita si Cryzelle sa loob ng campus. I can't contact her eaither. Hindi ko din alam kung pumasok ba siya o pumapasok pa. Ilang araw ko na kasing hindi nakikita ang babaeng iyon. Ano kayang nagyari dun? Hmm.

"Miss, the line is moving." I was awaken up in my reverie when I heard that deep baritone voice.

Agad ko itong nilingon at ganun nalang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita si Verro. I can also feel my heart beating so fast.

I can feel that my face was burning.

"Aren't you going to move forward?" Tanong niya sa akin. Hindi ko maiwasang mapatanga lang sa kaniya.

"Miss!" He snapped and that's when I totally get back to reality.

"U-uhmm. My b-bad." Utal-utal kong tugon at umusad na sa pila.

I can still feel my heart beating so fast. Napabuga nalang ako ng hangin at napakagat labi habang pinipigilan ang kilig na nararamdaman.

Ang swerte ko naman ngayong araw. Sana magtuloy-tuloy na ito.

--
I'm sorry for the long wait loves ✌ nabusy lang ako sa school paper works at sa defense namin. But since tapos na ang hell week ko, I hope I can update daily kung hindi lang ako susumpungin.

Anyway, hope you enjoy this chapter. Thanks for all the patience and everything 😊 love you all ❤ 😙

Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon