CHAPTER 18

5.7K 135 8
                                    

🚫 Warning 🚫 Read at your own risk 😂 play the song while reading 😉
--

Unconsciously Inlove

Marie Lyssa Point of View

Mabilis kong sinampal si Verro pagkatapos niya akong halikan.

Tumabingi ang mukha niya dahil sa pagkakasampal ko.

"How dare you!" Singhal ko sa kaniya at akmang iiwanan na siya at pumasok sa loob ng bahay ng hinablot niya na naman ang braso ko at hinalikan ako ulit.

Nagpupumiglas ako para mabitawan niya at nagtagumpay naman ako. Nanginginig ang kamay na dinuro ko siya.

"I hate you!" Nanginginig kong saad. My eyes got misty as I was glaring at him.

Mukhang natauhan siya at gulat na nakatitig sa akin.

"H-Honey." Maamo at utal na saad ni Verro at akmang lalapit sa akin ngunit iniling ko ang aking ulo.

I just glared at him and hastly went inside the house up to my room.

As soon as I get inside my room. I burst into tears.

Bumabalik na naman sa akin ang lahat. I thought I got over it. Pero hindi pa pala. Why does it have to be like this? Akala ko okay na ako. Akala ko lang pala iyon.

I wipe the tears off my face and relax myself. I should compose myself.

Hindi na dapat ako naaapektuhan ng ganito. It should stay in the past. I need to move forward. Hindi pwedeng ganito nalang ako palagi.

Natauhan ako ng kumatok si Verro sa pinto.

"Lyssa, honey, let's talk." Maamo at puno ng lambing na saad ni Verro sa labas ng pinto.

"Go away Verro. I don't want to talk to you." Garalgal pa rin ang boses ko dahil sa pag-iyak.

"Please, hon." Pakiusap nito ngunit hindi ko siya pinansin. I don't have time for his shits.

"I said go away! Hindi ka ba talaga nakakaintindi?!" I angrily said without opening the door.

This guy don't know how to give up. Ano pa ba ang gagawin ko para tantanan na niya ako?

May naririnig akong kaluskos mula sa labas at yabag na parang paalis na.

Napabuntong-hinga nalang ako dahil doon. Mabuti naman at hindi na siya nagpumilit pa at pinili nalang umalis. Cause seriously speaking, I don't know what else to do to shoo him away.

After how many minutes I decided to go out.

Hindi ko alam na nandun lang din pala si Verro naghihintay sa labas. Kaya nang buksan ko ang pinto ay agad siyang humarang at tinulak ako pabalik sa loob ng kwarto.

"What the hell are you doing?!" Pagalit kong tanong sa kaniya ng i-lock niya ang pinto ng kwarto ko.

"We need to talk." Tugon niya at pinakatitigan ako ng maigi.

Mabilis kong iniling ang aking ulo at pinandilatan siya ng mga mata.

"Diba sinabi ko ayokong makipag-usap sayo? Hindi ka ba talaga nakakaintindi?" Matigas ba talaga ang ulo niya? Hindi niya ba maintindihan ang mga sinasabi ko?

"Please don't fight me no more Lyssa. I just want us to talk." May pagsusuyo sa boses niya at hinawakan ang kamay ko.

Napatanga naman ako. I can see sadness in his eyes as he speaks.

Not just that. His eyes are also pleading.

Pleading for what? I hissed on my mind. Nalilito na ako sa mga pinaggagagawa ni Verro. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin?

Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon