Cold Treatment
Third Person Point of View
Nagising si Marie na sikat na sikat na ang araw na tumatama sa mga mata niya dahilan para takpan ni Marie ang mukha gamit ang maliit na unan sa tabi niya.
Sino ba kasi ang nagbukas ng kurtina sa kwarto niya? Inaantok pa siya. Wala naman siyang trabaho ngayon kaya hindi na niya muna kailangan gumising ng maaga.
Hindi nalang pinansin ni Marie ang araw at nagpatuloy na sa pagtulog.
Habang sa kabilang banda naman ay iniinda ni Verro ang sakit dulot ng mga sugat niya sa likod.
Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kaniyang kama at nakitang nabakatan ng mga dugo niya ang bed sheet.
Napamura nalang si Verro at dali-daling hinablot ang bed sheet para ilagay sa basket. Lalabhan niya nalang iyon kapag magaling na siya.
Nagbihis si Verro ng itim na damit at lumabas ng bahay. Umaaray pa siya sa tuwing nasasagi ang likod niya.
Nang makapasok siya sa loob ng kotse niya ay dahan-dahan siyang sumandal sa upuan tyaka pinaandar ang kaniyang kotse.
Maya-maya ay nakarating si Verro sa bahay ni Azeira eksaktong alas sais ng umaga. Nagdoor bell siya ng ilang beses bago bumukas ang pinto ng bahay.
"Verro?! Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?" Gulat na tanong ni Azeira kay Verro ng makita niya itong umiinda na sa sakit.
Hindi na kailangang sumagot ni Verro dahil agad na naintindihan ni Azeira kung ano ang kailangan nito sa kaniya.
Inalaayan niya si Verro at pumasok sila sa loob ng bahay niya at agad siyang kumuha ng panglinis at panggamot ng sugat.
"The bandages were all soaked with your blood. What did you do last night?" Parang nanenermon na tanong ni Azeira sa kaibigan habang dinadampian ng betadine na nasa may bulak.
"I just went home and sleep. I must have turn over while I'm asleep so it bleed." Verro answered.
Napabuntong hinga nalang si Aze.
"Hindi ito gagaling agad kung palagi kang maggagalaw. Kailangan mo ng pahinga." Nag-aalalang saad ni Aze kay Verro.
"Is there no other option?" Tanong ni Verro. Hindi kasi pwedeng hindi siya gumalaw. May kailangan siyang gawin. Kailangan niyang bantayan si Alyana kung saan ito pupunta o kung sino ang kasama nito.
"Wala na Verro. All you need is a total bed rest kung ayaw mong mas lumala pa iyang mga sugat mo sa likod." Pagsesermon ni Aze habang patuloy sa paggamot ng sugat ni Verro sa likod.
"I can't stay on the bed Aze. I have work to do." Dahilan ni Verro.
Diniinan ni Azeira ang pagdampi ng bulak sa likod ni Verro dahilan para mapadaing sa sakit ang binata.
"Ilublob mo ang mga sugat mo sa asin o di kaya maligo ka sa dagat!" Naiinis na sagot ni Aze sa kaibigan.
"That would be painful." Nakangiwing tinuran ni Verro.
Napairap nalang si Azeira kay Verro.
"Eh kung tahiin nalang kaya natin yang mga sugat mo?" Suhestyon ni Azeira.
"I can handle that." Mabilis na pagsang-ayon ni Verro sa ideya niya.
Napaismid nalang si Azeira.
"Sandali lang." Ani ni Aze at umalis para pumunta sa kwarto niya.
Sandaling naghintay si Verro at maya-maya ay bumalik na ito na may dalang maliit na bag.
"I'll stitch all your wound but you have to promise me one thing."
BINABASA MO ANG
Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔
General FictionPAGMAMAHAL Iyan ang gustong makuha ni Marie Lyssa mula sa nag iisang lalaki na naglalaman ng kaniyang puso. Ano kaya ang mangyayari kapag ipinilit niya ang kaniyang gusto. Mamahalin ba siya nito dahil sa pilit o kusang loob siya nitong mamahalin? Wi...