CHAPTER 25

5.3K 120 12
                                    

Missing Him

Marie Lyssa Point of View

Tulala lang akong nakatanaw sa labas ng building mula dito sa aking veranda. Ang bilis ng mga pangyayari. Talaga bang iniwan na niya ako? Talaga bang sumuko na siya ng tuluyan? Na sinukuan na niya ako? Bakit hindi ko matanggap?

Pinahid ko ang luha sa aking pisngi at bumuga ng hangin. I want this to happen. I chose to be like this. Hindi dapat ako umiiyak ng ganito. This is what I want and I have to live with it.

Biglang tumunog ang telepono ko. Nanghihina ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Mom Calling...

Agad kong sinagot ang tawag ni mommy na ilang buwan ko ding hindi nakakausap.

"Mom." I answered.

"Lyssa, how are you sweetie?" My mom asked.

"I'm fine mom." No. I don't. I lied again to her.

"Hmm. Nga pala anak. Uuwi kami diyan sa Pilipinas." Natigilan ako sa sinabi ni mommy.

Uuwi sila? Ibig sabihin kasama siya?

"Bakit kayo uuwi dito mom? Maayos naman kayo diyan diba? Isasama niyo siya?" Mahihimigan ang pagkadisgusto sa boses ko ng magtanong ako kay mommy.

"I don't like that tone of yours, Marie. Vexer needs you sweetie. Don't neglect him, please." Kumuyom ang kamay ko sa sinabi ni mama. Bakit ba pinipilit niya ang gusto niya?

"Whatever mom. I need to hang-up now. If you want to go home. Fine. I won't stop you." Malamig kong saad tyaka pinatay ang tawag.

Pumasok ako sa aking kwarto pagkatapos ng tawag at basta-basta nalang itinapon ang aking cellphone sa kama.

Naiinis ako. I want to see my parents. Pero kung isasama nila ang isang tao na ayaw kong makita. I don't think gusto ko pa silang makita.

Dapat alam ni mommy ang mararamdaman ko. Dapat kinunsulta muna nila ako bago sila nagdesisyon. Hindi ba nila ako iniisip? Kung ano ang mararamdaman ko? They should consider me first.

Bago ako tuluyang maasar ay tinawagan ko si Alyana at nakipagkita sa kaniya. Gusto kong maglabas ng sama ng loob sa kaniya. I want to release this bad vibes before I get consumed by the stress and it's not healthy for my baby.

Nang pumayag si Alyana ay nagmadali akong nagbihis at umalis. I drove my way to Alyana's coffee shop.

Pagkarating ko doon ay agad akong inentertain ng mga empleyado at inassist ako papunta sa opisina ni Aly.

"You're here!" Alyana said with so mich glee and embrace me. I hugged her too and we went for our seats.

"Spill it out M. I'm all ears." Malambing na saad ni Alyana.

I heaved a sigh before talking.

"They're coming back Aly. And I don't know what to do." I started.

"Go on." She held my hand and motioned me to continue.

"I don't want to see him, Aly. He makes me remember the past that I've been trying to forget. Hindi ko pa kaya siyang makita Aly. What should I do?" Nanghihina at nahihirapan kong saad.

"I don't know what you are feeling right now M. Hindi ko alam kung paano kita ico-comfort at papayuhan. But as a mother, hindi naman tamang tratuhin mo nalang siya ng ganun M. Vexer is your son. He needs love and care from his mother. Wala namang kasalanan ang bata sa nangyari sayo dati Marie. Why don't you give him a chance? Anak mo pa rin yun kahit baliktarin man natin ang mundo at the end of the day anak mo pa rin siya M." Malumanay na saad ni Alyana. She has a point. Pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang tanggapin siya.

"Hindi ganun kadali para sa akin na tanggapin siya, Alyana. Everytime I see him memories from the past instantly flashes on my mind like a replay. At sa tuwing naaalala ko iyon bumabalik sa akin ang sakit, poot, galit, hinanakit at pighati. Nasusuklam ako at hindi ko napipigilan ang sarili ko na ibuntong iyon sa bata. I know it's bad but I can't just control myself. God knows how I wanted to take care of that child, Aly. Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong yakapin at hagkan ang anak ko. Pero sa tuwing magkaharap na kami kumukulo ang dugo ko. Hindi ko alam kung bakit. I'm a terrible mother Aly." Nagsimula na akong humikbi. I let out all my frustrations in life.

Alyana stood up from her seat and went near me. She then embrace me and I instantly broke down into tears.

"You will overcome this Marie. You are strong. I know you can face him and sooner you can accept him as well. Just don't be too hard of yourself M. Slowly you can accept him. Just don't force yourself." Alyana comforted me and all I just did was to cry in her arms.

Third Person Point of View

Hinayaan lang ni Alyana na umiyak si Marie at ilabas ang mga sama ng loob nito. Hindi alam ni Alyana ang gagawin dahil hindi niya naman alam ang mga pinagdadaanan ng kaibigan. She might knew the whole story but she never experienced one of them.

Nakikita niya na sobrang nahihirapan na ang kaibigan ngunit wala man lang siya magawa o masabi na makakapagpagaan sa loob nito. All she can do was to be at her side and comfort her the way she can.

Nang tumahan na sa pag-iyak si Mari ay tyaka lang sila naghiwalay dalawa.

"I'm sorry if I'm such a mess." Paumanhin ni Marie kay Alyana.

"Your not a mess M. Just let it out. I won't judge you." Nakangiting saad ni Alyana sa kaibigan.

Ngumiti din naman si Marie kapagkuwan. Ngunit sa kabila ng pagngiti ni Marie ay nakita ni Alyana ang lungkot na lumitaw sa mga mata ng kaibigan.

"So, how about you and Verro? Ano ng balita sa inyong dalawa?" Tanong ni Alyana kay Marie. Ayaw niya sanang usisahin ang kaibigan pero may nag-uudyok sa kaniya na tanungin ito.

Bumalatay ang lungkot sa mukha ni Marie ng magtanong ang kaibigan tungkol kay Verro.

"It's over. I told him to stop pestering me. Sumuko na siya. I made him do it." Nagsimula na namang pumatak ang mga luha sa mata ni Marie habang sinasagot si Alyana.

"I should be happy right? Finally, I'm free. Dapat maging masaya ako, diba? Kasi ito naman ang gusto ko? But why am I being like this? Why do I miss him so much? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, Aly. First I want him to leave me alone and then now I want to be with him. Hindi ko na talaga alam Alyana. And it's too late for me to regret my decisions. Dahil tuluyan na niya akong binitawan." Humagulhol na si Marie at ang tanging ginawa ni Alyana ay patahanin at aluhin ang kaibigan.

--

Hihihi. Sabaw. I know 😂 love lots ❤

Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon