Broke
Third Person Point of View
~
Pinilit ni Marie ang sarili na gumapang at umalis sa lugar na pinagdalhan sa kaniya ng tatlong kalalakihan. Kahit na sobrang sakit na ng katawan niya ay pinilit niya pa ring gumapang para makarating sa high way. Hindi niya alam kung nasaan siya basta ang ginawa niya lang ay gumapang sa damuhan.Nanghihina siya mula sa ginawa ng mga ito sa kaniya ngunit kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon.
Nahihirapang gumapang si Marie ng may marinig siyang tunog ng isang sasakyan.
Pinilit niya ang sarili na tumayo kahit na hubot-hubad pa siya.
"H-Help. H-Help!" Nahihirapan niyang paghingi ng tulong sa kung sino man. Ngunit sa hina ng boses niya imposibleng marinig siya ng kahit sino.
Natumba na naman siya at lupaypay na napasalampak sa damuhan.
"N-No. C-Come back!" Pinipilit ni Marie na sumigaw ng makalampas na sa kaniya ang sasakyan.
She struggle so much just to reach the high way.
Pinilit niyang tumayo ulit ng nasa gilid na siya ng kalsada. Naaninag ni Marie ang isang kotse na papunta sa pwesto niya kaya hinarang niya ang sarili.
Ngunit sa nanghihinang mga binti ay natumba na naman siya ulit.
Biglang napatigil ang sasakyan na dapat ay babangga kay Marie ng mapansin ng nagdadarive na nandun siya nakasalampak sa daan.
Mabilis na bumaba ang mag-asawa sa kanilang sasakyan at dinaluhan si Marie na unti-unti ng nawawalan ng malay.
"Buhatin mo siya Mahal. Jusko! Ano bang nangyari sa kaniya?" Naaawang sambit ng babae at inutusan ang asawa.
Mabilis naman na binuhat ng lalaki si Marie at pinasok sa loob ng kotse nila.
"Dalhin natin siya sa malapit na ospital." Ani ng babae na nakaalalay kay Marie sa back seat.
Nang marating nila ang ospital ay agad silang dinaluhan ng mga nurse sa emergency room at nagtanong kung ano ang nangyari.
Ngunit walang maisagot ang mag-asawa. Ang tanging sinabi lang nila ay natagpuan nila si Marie sa gitna ng kalsada.
Hindi na muna umalis ang mag-asawa at hinintay na nasa maayos na si Marie. At ng masiguro na nilang maayos na ito ay tyaka lang nila ito iniwan.
Gustuhin pa man nilang manatili ngunit hindi pwede.
Kinabukasan pa ng magising si Marie. Namimigat ang talukap ng mga mata niya ng ibinuka niya ang mata at nagpalingon-lingon sa paligid.
At biglang naalala ni Marie ang nangyari sa kaniya kagabi. Natatakot na niyakap niya ang sarili at parang baliw na sumuksok sa uluhan ng kama.
Naalerto din siya ng biglang pumihit ang pinto. Sisigaw na sana si Marie ng mapagtantong isang nurse iyon at lumapit sa kaniya.
Kinausap ng babaeng nurse si Marie at tinanong kung kamusta na ang lagay niya.
"H-How did I g-get here?" Utal na tanong ni Marie sa nurse.
Ngumiti ang babaeng nurse kay Marie bago sumagot.
"Hindi ko po alam ma'am. Kakaduty ko lang po. Maayos na ba pakiramdam niyo ma'am?" Tanong pabalik ng nurse.
Umiling si Marie at mas niyakap pa ang sarili. Naiiyak na naman siya.
"May iba pa po ba kayong kailangan?" Tanong ng babaeng nurse.
"P-Phone. I need phone."
Ngumiti na naman ang nurse kay Marie.
"Ito ang cellphone ko. Gamitin mo muna. Babalikan ko nalang mamaya." Masuyong saad ng nurse at iniabot kay Marie ang cellphone.
Mabilis na kinuha iyon ni Marie at mabilis na pumindot doon para tawagan ang mama niya.
Umalis na din ang nurse at hinayaan siyang gamitin muna ang cellphone nito.
"M-Mom. Pick up the phone." Ring ng ring lang kasi ang mama niya at hindi sinasagot ang tawag.
Sinubukan niya pang tawagan ito ulit at di kalaunan ay sumagot na rin ito.
"Hello? Sino to?" Ang mama ni Marie.
"Mom! I n-need you. Please, come get me." Hindi na napigilan ni Marie ang mapaiyak at mapahikbi ng kinakausap ang ina.
"Where are you sweety? What happened?" Nag-aalalang tanong ng ina ng marinig ang pag-iyak ni Marie.
Sinabi ni Marie kung nasaan siya tyaka pinutol ang tawag at naghintay sa mama niya na dumating.
Di kalaunan ay dumating na ang mama ni Marie at nagulat ng makita ang itsura ng anak.
"Oh my god! What happened sweety?" Mabilis na lumapit ang mama ni Marie sa kaniya at niyakap siya.
Napahagulhol nalang si Marie ng mayakap na siya ng nanay niya.
Kinuwento ni Marie sa ina ang totoong nangyari. Kung bakit siya nasa ospital at ang dahilan kung bakit siya nagkaganun.
"I can't take it anymore mommy. Sobrang sakit." Marie confides to her mother. And all her mother can do was to hug her and cry with her.
Simula ng araw na iyon. Nabuhay ang galit at poot sa puso ni Marie. Galit para kay Verro at poot para sa mga taong bumaboy sa kaniya.
Simula din sa araw na iyon ipinangako niyang magbabayad ang lahat ng sumira sa buhay niya. She will find those people who broke her. And she will make them pay.
~
Habang inaalala ni Marie ang mga nangyari sa kaniya ay hindi niya mapigilan na umusbong na namana ng galit na matagal na niyang binabaon sa loob niya. Galit na kinikimkim niya simula ng mangyari ang karumaldumal na pangyayaring iyon sa kaniya.
Matagal na panahon bago niya nahanap ang mga taong gumawa noon sa kaniya. Ang mga taong bumaboy sa pagkatao niya.
Pero ngayon ay nahanap na niya ang mga ito. Sisingilin niya ang mga ito sa paraang alam at gusto niya. Hindi sapat ang kamatayan bilang parusa sa mga ito.
It took her two years before finding those person who ruined her life. And she will make them suffer much more as what she'd been through.
And as for Verro, she will handle him after charging them for what they did to her.
And he might tell Verro what really happened to her almost three years ago. In that way she could be at peace. Or not.
BINABASA MO ANG
Love Me Verro Duko Ybañez (COMPLETE) ✔
Ficção GeralPAGMAMAHAL Iyan ang gustong makuha ni Marie Lyssa mula sa nag iisang lalaki na naglalaman ng kaniyang puso. Ano kaya ang mangyayari kapag ipinilit niya ang kaniyang gusto. Mamahalin ba siya nito dahil sa pilit o kusang loob siya nitong mamahalin? Wi...